El Filibusterismo

El Filibusterismo

The word “filibustero” wrote Rizal to his friend, Ferdinand Blumentritt, is very little known in the Philippines. The masses do not know it yet.

Jose Alejandro, one of the new Filipinos who had been quite intimate with Rizal, said, “in writing the Noli Rizal signed his own death warrant.” Subsequent events, after the fate of the Noli was sealed by the Spanish authorities, prompted Rizal to write the continuation of his first novel. He confessed, however, that regretted very much having killed Elias instead of Ibarra, reasoning that when he published the Noli his health was very much broken, and was very unsure of being able to write the continuation and speak of a revolution.

Explaining to Marcelo H. del Pilar his inability to contribute articles to the La Solidaridad, Rizal said that he was haunted by certain sad presentiments, and that he had been dreaming almost every night of dead relatives and friends a few days before his 29th birthday, that is why he wanted to finish the second part of the Noli at all costs.

Consequently, as expected of a determined character, Rizal apparently went in writing, for to his friend, Blumentritt, he wrote on March 29, 1891: “I have finished my book. Ah! I’ve not written it with any idea of vengeance against my enemies, but only for the good of those who suffer and for the rights of Tagalog humanity, although brown and not good-looking.”

To a Filipino friend in Hong Kong, Jose Basa, Rizal likewise eagerly announced the completion of his second novel. Having moved to Ghent to have the book published at cheaper cost, Rizal once more wrote his friend, Basa, in Hongkong on July 9, 1891: “I am not sailing at once, because I am now printing the second part of the Noli here, as you may see from the enclosed pages. I prefer to publish it in some other way before leaving Europe, for it seemed to me a pity not to do so. For the past three months I have not received a single centavo, so I have pawned all that I have in order to publish this book. I will continue publishing it as long as I can; and when there is nothing to pawn I will stop and return to be at your side.”

Inevitably, Rizal’s next letter to Basa contained the tragic news of the suspension of the printing of the sequel to his first novel due to lack of funds, forcing him to stop and leave the book half-way. “It is a pity,” he wrote Basa, “because it seems to me that this second part is more important than the first, and if I do not finish it here, it will never be finished.”

Fortunately, Rizal was not to remain in despair for long. A compatriot, Valentin Ventura, learned of Rizal’s predicament. He offered him financial assistance. Even then Rizal’s was forced to shorten the novel quite drastically, leaving only thirty-eight chapters compared to the sixty-four chapters of the first novel.

Rizal moved to Ghent, and writes Jose Alejandro. The sequel to Rizal’s Noli came off the press by the middle of September, 1891.On the 18th he sent Basa two copies, and Valentin Ventura the original manuscript and an autographed printed copy.

Inspired by what the word filibustero connoted in relation to the circumstances obtaining in his time, and his spirits dampened by the tragic execution of the three martyred priests, Rizal aptly titled the second part of the Noli Me Tangere, El Filibusterismo. In veneration of the three priests, he dedicated the book to them.

“To the memory of the priests, Don Mariano Gomez (85 years old), Don Jose Burgos (30 years old), and Don Jacinto Zamora (35 years old). Executed in the Bagumbayan Field on the 28th of February, 1872.”

“The church, by refusing to degrade you, has placed in doubt the crime that has been imputed to you; the Government, by surrounding your trials with mystery and shadows causes the belief that there was some error, committed in fatal moments; and all the Philippines, by worshipping your memory and calling you martyrs, in no sense recognizes your culpability. In so far, therefore, as your complicity in the Cavite Mutiny is not clearly proved, as you may or may not have been patriots, and as you may or may not cherished sentiments for justice and for liberty, I have the right to dedicate my work to you as victims of the evil which I undertake to combat. And while we await expectantly upon Spain some day to restore your good name and cease to be answerable for your death, let these pages serve as a tardy wreath of dried leaves over one who without clear proofs attacks your memory stains his hands in your blood.”

Rizal’s memory seemed to have failed him, though, for Father Gomez was then 73 not 85, Father Burgos 35 not 30 Father Zamora 37 not 35; and the date of execution 17th not 28th.

The FOREWORD of the Fili was addressed to his beloved countrymen, thus:

“TO THE FILIPINO PEOPLE AND THEIR GOVERNMENT”

Mga Tauhan

Ang nobelang “El Filibusterismo” ay isinulat ng ating magiting na bayaning si Dr. Jose Rizal na buong pusong inalay sa tatlong paring martir, na lalong kilala sa bansag na GOMBURZA – Gomez, Burgos, Zamora.

Tulad ng “Noli Me Tangere”, ang may-akda ay dumanas ng hirap habang isinusulat ito. Sinimulan niyang isulat ito sa London, Inglatera noong 1890 at ang malaking bahagi nito ay naisulat niya sa Bruselas, Belgica. Natapos ang kanyang akda noong Marso 29, 1891. Isang Nagngangalang Valentin Viola na isa niyang kaibigan ang nagpahiram ng pera sa kanya upang maipalimbag ang aklat noong Setyembre 22, 1891.
Ang nasabing nobela ay pampulitika na nagpapadama, nagpapahiwatig at nagpapagising pang lalo sa maalab na hangaring makapagtamo ng tunay na kalayaan at karapatan ang bayan.

Mga Tauhan:

Simoun
Ang mapagpanggap na mag-aalahas na nakasalaming may kulay

Isagani
Ang makatang kasintahan ni Paulita

Basilio
Ang mag-aaral ng medisina at kasintahan ni Juli

Kabesang Tales
Ang naghahangad ng karapatan sa pagmamay- ari ng lupang sinasaka na inaangkin ng mga prayle

Tandang Selo
Ama ni Kabesang Tales na nabaril ng kanyang sariling apo

Ginoong Pasta
Ang tagapayo ng mga prayle sa mga suliraning legal

Ben-zayb
Ang mamamahayag sa pahayagan

Placido Penitente
Ang mag-aaral na nawalan ng ganang mag-aral sanhi ng suliraning pampaaralan

Padre Camorra
Ang mukhang artilyerong pari

Padre Fernandez
Ang paring Dominikong may malayang paninindigan

Padre Florentino
Ang amain ni Isagani

Don Custodio
Ang kilala sa tawag na Buena Tinta

Padre Irene
Ang kaanib ng mga kabataan sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila

Juanito Pelaez
Ang mag-aaral na kinagigiliwan ng mga propesor; nabibilang sa kilalang angkang may dugong Kastila

Makaraig
Ang mayamang mag-aaral na masigasig na nakikipaglaban para sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila ngunit biglang nawala sa oras ng kagipitan.

Sandoval
Ang kawaning Kastila na sang-ayon o panig sa ipinaglalaban ng mga mag-aaral

Donya Victorina
Ang mapagpanggap na isang Europea ngunit isa namang Pilipina; tiyahin ni Paulita

Paulita Gomez
Kasintahan ni Isagani ngunit nagpakasal kay Juanito Pelaez

Quiroga
Isang mangangalakal na Intsik na nais magkaroon ng konsulado sa Pilipinas

Juli
Anak ni Kabesang Tales at katipan naman ni Basilio

Hermana Bali
Naghimok kay Juli upang humingi ng tulong kay Padre Camorra

Hermana Penchang
Ang mayaman at madasaling babae na pinaglilingkuran ni Juli

Ginoong Leeds
Ang misteryosong Amerikanong nagtatanghal sa perya

Imuthis
Ang mahiwagang ulo sa palabas ni G. Leeds

Kabanata I

Sa Ibabaw ng Kubyerta

Buod

Umaga ng Disyembre. Sa Ilog Pasig ay sumasalunga ang Bapor Tabo. Lulan nito sa kubyerta sina Don Custodio, Ben Zayb, P. Irene, P. Salvi, Donya Victorina, Kap. Heneral at Simoun.

Napag-usapan ang pagpapalalim ng ilog Pasig. Mungkahi ni Don Custodio: mag-alaga ng itik. Ani Simoun namang kilalang tagapayo ng Kap. Heneral: Gumawa ng tuwid na kanal na mag-uugnay sa lawa ng Laguna at sa look ng Maynila. Nagkasagutan sila ni Don Custodio at ng ilang pari. Ayaw ni Donya Victorina na matuloy ang pag-aalaga ng pato dahil darami ang balot na pinandidirihan niya.

Mga Tulong Sa Pag-aaral

1. Ang ibabaw ng kubyerta ng bapor ay para sa matataas na uri ng tao, karaniwa’y Kastila.

2. Ang Noli ay nagtapos sa buwan ng Disyembre; ang Fili ay dito nagsimula. Ngunit ang Disyembre sa Noli at ang Fili ay may 13 taong nakapagitan.

3. Si Don Custodio ay tanungan at tagapayo ng mga taong pamahalaan. Si Ben Zayb (Ibanez) ay isang mamahayag.

4. Ang tabo ay isang katutubong batalan. Ang tabo sa kasalukuyan ay karaniwang latang pinagbasyuhan ng gatas, kape o ano man. Mula sa abang bataan hanggang sa makabagong banyong may gripo at dutsa sa Pilipinas ay may tabo. Noon ang tabo ay karaniwang pang-ilalim na bahagi ng bao ng niyog.

Mga Tanong at Sagot

1. Paano pinaghahambing ni Rizal ang Bapor Tabo at ang Pamahalaan?

Tugon

a. Sa pagkakaroon ng 2 lugal ng tao sa kubyerta at sa ilalim ng kubyerta, tulad ng paglalagay ng pamahalaan na may mga taong mataas ang uri, tulad ng mga Kastila, mayayaman at prayle: at mga abang mamamayang tulad ng mga mestiso at indiyo.

b. Sa mabagal nguni’t mapagmalaking palakad tulad ng pamahalaan na halos hindi nakausad sa may 300 taong pamumuno sa Pilipinas.

c. Sa pagkulapol na pinturang puti – nagpapanggap na malinis at marangal ngunit’t makikita ang mga dumi sa likod ng pinta tulad ng mga walang katarungang pagpatay at pagbilanggo, ng mga kabulukan, katiwalian at iba pa sa pamahalaan at simbahan.

d. Sa bilog na anyo ng bapor – nagpapakilalang ang pamahalaan ay walang malinaw na kaanyuan; walang plano ng pagiging unahan, hulihan, tagiliran na tulad ng pamahala noon na walang yaring plano ng pagpapalakad.

e. Sa paggamit ng makina at tikin tulad ng pamahalaan, may namamahalang sibil, tulad ng Kap. Heneral at iba pang taong pamahalaan at ang prailesya o mga kura. Noon ay may union of church and state o pagiging magkatulong ng pamahalang sibil at ng simbahan sa pagpapalakad ng mga suliraning pampulitika at pangkabuhayan ng bayan. Alin ang makina at alin ang tikin? Ang makina na siyang tuwirang nagpapatakbo sa bilog na bapor ng pamahalaan, bilog sapagkat walang plano at di alam kung saan ang patungo at saan ang pabalik, ay siyang pamahalaang sibil, samantalang ang mga tikin ay siyang mga kura na nagsasabi kung saan dapat patungo ang bapor ng pamahalaan. (Dapat mabatid kung ano ang tikin.)

2. Bakit inis na inis si Donya Victorina?

Tugon

Iniwasan siya ng mga lalaki sa itaas ng kubyerta.

3. Anu-ano ang ibubuti ng malalim na kanal na mag-uugnay sa lawa ng Laguna at look ng Maynila ayon kay Simoun?

Tugon

a. Makapagtitipid ng lupa. Ang liku-likong Ilog Pasig ay mahalinhan ng tuwid na kanal.
b. Iikli ang paglalakbay; uunlad ang negosyo.
k. Maiiwasan ang mga putik at burak sa mga pampangin ng Ilog Pasig.
d. Giginhawa ang paglalakbay.
4. Anu ano ang tutol dito ni Don Custudio?

Tugon

a. Malaki ang gugulin
b. Maraming bayan ang kakailanganing sirain
k. Walang ibabayad sa mga manggagawa

5. Anu-ano ang tugon ni Simoun dito?

Tugon

a. Kung maraming bayan ang kailangang mawasak, sirain ito.
b. Kung walang ibabayad sa gagawa, gumamit ng mga bilanggo.
k. Kungdi sapat ang mga bilanggo pagawain ng walang bayad ang taong-bayan na magdadala ng sariling pagkain at kasangkapan. Sa ganito raw paraan natayo ang piramide sa Ehito at koliseo Sa Roma na hinahangaan ngayon kaugnay ng pangalan ng mga paraon at mga pinuno ng Roma gayong limot na natin ang libu-libong nagamatay na mangagawa roon. Ang mga patay ay patay na ang tanging malakas ang binibigyang katwiran at panahon;
d. At di raw maghihimagsik ang bayan tulad ng mga Ehipsio.

6. Dahil sa mga panukala ni Simoun at kanyang tandisang patutsada kay P. Sibyla at Don Custodio, ano ang naging palagay sa kanya ng nasa itaas ng kubyerta?

Tugon

a. Siya ay isang mulatong (mestisong) Amerikano.
b. Mestisong taga-India at Ingles naman daw.

7. Bakit nangigilag ang mga prayle at sina Don Custodio kay Simoun?

Tugon

Ito’y kaibigan ng Kapitan Heneral, doon pa sa Habana, Kuba.

Dagdag na mga Tanong at Puna

1. Mararahas ang mga balak ni Simoun. Lahat ay makakapagpahirap sa mga mamamayan.

2. Si Don Custodio ang ipinalalagay na pinakamatalinong tagapayo ng mga puno sa Pilipinas.

3. Si Padre Sibyla ay pangalawang rektor ng UST.

Buod

Tinungo ni Simoun ang ibaba ng kubyerta. Masikip sa pasahero ang ilalim ng kubyerta. Naroon ang dalawang (2) estudyate na pinakukundanganan ng iba-si Basilio na nag-aaral ng medisina at mahusay ng manggamot at isang katatapos pa lamang sa Ateneo, isang makata, si Isagani. Kausap sila Kap. Basilio. Napag-usapan si Kap. Tiyago. Pinauwi raw siya, ani na naging tagapayo ng kapitan nitong mga huling araw. Napaling ang usapan sa paaralang balak ng mga estudyante ukol sa pagtuturo ng mga Kastila. Hindi raw ito magtatagumpay ayon kay Kap. Basilio. Magtatagumpay, ayon sa dalawang binata. Lumayo ang matandang Basilio. Napag-usapan si Paulita Gomez, ang kasintahan ni Isagani at tukod ng ganda, mayaman at may pinag-aralan kaya nga lamang ay tiya si Donya Victorina. Ipinahahanap ni Donya Victorina kay Isagani ang asawa , si De Espadaña, na sa bahay pa ni Padre Florentino, amain ng binata, nagtatago.

Dumating si Simoun at kinausap ng magkabigan. Ipinakilala ni Basilio kay Simoun si Isagani. Sinabi ni Simoun na di niya nadadalaw ang lalawigan nina Basilio sapagka’t ang lalawigan nina Basilio sapagka’t ang lalawigang ito’y mahirap at di makabibili ng alahas. Matigas na tumutol Si Isagani at anya: Hindi kami namimili ng alahas dahil di namin kailangan. Napangiti si Simoun. Nasabi raw niyang dukha ang lalawigan, dahil ang mga pari sa simbahan ay Pilipino.

Nag-anyaya si Simoun sa pag-inom ng serbesa. Tumanggi ang dalawa. Ayon kay Simoun, Sinabi ni Padre Camorra na kaya tamad ang mga Pilipino ay dahil pala-inom ng tubig at di ng serbesa. Mabilis na tumugon si Basilio; Sabihin ninyo kay Padre Camorra na kung siya ay iinom ng tubig sa halip ng serbesa, marahil ay mawawala ang sanhi ng mga usap-usapan. At dagdag ni Isagani: lumuluhod sa alak at sa serbesa na pumapatay ng apoy; na kapag pinainit ay sumusulak; nagiging malawak na dagatan at gumugunaw ng santinakpan. Hindi niya pinakinggan ang pagsingkil ni Basilio.

Itinanong ni Simoun kung ano ang itutugon niya sakaling itanong ni Padre Camorra kung kailan magiging sulak at malawak na karagatan ang tubig. Tugon ni Isagani: Kapag pinainit ng apoy; sa sandaling ang mumunting ilog na watak-watak ay magkakasamasama sa kailalimang hinuhukay ng tao. Binigkas ni Basilio ang isang tula ni Isagani na rin ukol sa pagtutulong ng apoy at tubig sa pagpapatakbo sa makina (steam engine). Pangarap daw ayon kay Simoun dahil ang makina ay hahanapin pa.

Nang umalis si Simoun saka lamang nakilala nang lubusan ni Isagani ang mag-aalahas na tinawag na Kardinal Moreno. May dumating na utusan. Ipinatawag ni Padre Florentino ang pamangkin. Nguni’t nakita ng kapitan si Padre Florentino at ito’y inanyayahang pumanhik sa ibabaw ng kubyerta.

Mga Tulong Sa Pag-aaral

1. Bakit kalakaran sa matanda, tulad ni Kap. Basilio na nakatatagpo ng balakid sa lahat ng dako samantalamg ang kabataan ay masigasig sa mga balak, tulad nina Isagani?

Tugon

Marami nang kabiguang naranasan ang matatanda kabiguan sa sarili nilang mga pangarap at balak noong kanilang kabataan samantalang ang mga bata ay may maapoy pang damdamin na gatong sa kanilang mga balak at adhikain. Di pa sila nakararanas ng maraming kabiguan. Dahil dito, kahit papaano, ang daigdig ay sumusulong, umuunlad.

2. Bakit nangiti si Simoun nang matigas tumugon si Isagani na kaya di namimili ng alahas ang kanyang mga kababayan ay dahil hindi nila ito kailangan?

Tugon

Kung ang ngiting iyon ay palibak o patuya, iyon ay dahil alam ni Simoun na di totoo. Mahiligin sa alahas ang mga Pilipino. Kung iyon ay ngiti ng kasiyahan ay masasabi nating dahil sa nakita ni Simoun kay Isagani ang isang katangiang hinahangaan niya at hinahanap lalaking matapang at nakikipaglaban para sa karangalan ng bayan.

3. Ano ang palatandaan ni Simoun sa pagiging dukha ng isang bayan noon?

Tugon

Ang pari sa bayan. Pag Pilipino, dukha ang paroko; pag Kastila naman mayaman. Kung pagsisimula pa lamang ang isang paroko di pa malakas ang kita, Pilipino ang inilalagay dito; pag-umunlad na ito, pinapasok na ng mga prayleng Kastila.

4. Totoo ba ang sabi ni Padre Camorra na kaya tamad ang mga Pilipino ay dahil hindi ito nagsisiinom ng serbesa?

Tugon

Hindi. Ito’y totoo para sa bayang malalamig nguni’t di sa Pilipinas na totoo nang mainit kadalasan ang panahon. Tingnan ang palainom ng tuba. Pagkainom ano? Bulagta!

5. Ano ang tugon ni Isagani kay Simoun?

Tugon

Na kung si Padre Camorra at mga kasama nitong kastila ay nagbabawas sa pag-inom ng alak, titino sila ng kaunti at ang mga alingasngas nila, lalo na sa kababaihan, ay mabanawasan kundi man maalis. (Ito kaya ay di tuwirang pangagaral ni Rizal ukol sa alak?)

6. Ano ang ibig sabihin ni Isagani sa pagiging sulak ng tubig? sa mumunti at watak-watak na
ilog?

Tugon

Ang sulak (steam) ay pag-init at pagkulo ng malamig at matimping damdamin ng mga Pilipino; pagsulak, himagsik! Ang mumunti at watak-watak na ilog ay ang kawalang-kaisahan ng damdaming Pilipino na may matinding gawi ng pag tatangi-tangi (regionalism). Kung ang mga puta-putaking himagsikan lamang sa Pilipinas na mula kay Lapu-lapu hanggang kaina Diego Silang ay walang tigil nang pagsiklab, ay naging parang ilog na nauwi sa iisang dagat o nagkaisa-isa at nagkasabay-sabay sa isang pamumuno, matagal na sanang gininaw ng dagat ng tubig na ito ang Moong ng Kastila sa Pilipinas.

7. Ano ang diwa ng tula ni Isagani na bibigkas ni Basilio?

Tugon

Pagtutulugan ng tubig at ng apoy sa isang makina (steam engine). Pagtutulungan ng Pilipino at Kastila sa mahusay na sistema ng pamamahala.

8. Bakit pangarap lamang daw ito ayon kay Simoun?

Tugon

Hahanapin pa raw ang makina. Ibig sabihin may apoy nga at may tubig nguni’t walang makina. Walang makikitang pag-asa si Simoun sa pagkakasundo ng mga Pilipino at Kastila.

9. Paano nagkakilala sina Simoun at Basilio?

Tugon

Sa bahay ni Kapitan Tiyago ay isa sa madalas dumalaw si Simoun na pinaghihinalaan ng lahat, pati si Basilio, na isang naghahangad makamana sa yaman ng Kapitan.

Kabanata III

Ang Alamat

Buod

Dinatnan ni Padre Florentino na nagtatawanan na ang nangasa kubyerta. Nagdaraingan ang mga prayle sa pagkamulat ng mga Pilipino at pag-uusig sa mga bayarin sa simbahan. Dumating si Simoun. Sayang daw at di nakita ni Simoun ang mga dinaanan ng bapor. Kung wala raw alamat ay walang kuwenta sa kanya ang alinmang pook ayon kay Simoun. Isinalaysay ng kapitan ang alamat ng Malapad-na-bato. Ito raw ay banal sa mga katutubo noong una bilang tahanan ng mga espiritu. Nang panahanan daw ng mga tulisan ay nawala ang takot sa espiritu, nasalin sa mga tulisan.

Sinabi ng Kapitan na may isa pang alamat na ukol kay Donya Geronima. Si Padre Florentino ang nahingang magkuwento. May magkasintahan daw sa Espanya. Naging arsobispo sa Maynila ang lalaki. Nagbabalatkayo ang babae. Naparito at hinihiling sa arsobispo na sundin nito ang pangako pakasal sila. Iba ang naisip ng arsobispo. Itinira ang babae sa isang yungib na malapit sa Ilog Pasig.

Nagandahan si Ben Zayb sa alamat. Nainggit si Donya Victorina na ibig ding manirahan sa kuweba. Tinanong ni Simoun si Padre Salvi. Sa inyong palagay, hindi ba higit na mainam ay ilagay sa isang beateryo tulad ni Sta. Clara? Hindi raw siya makakahatol sa mga ginawa ng isang arsobispo, ayon kay padre Salvi. At upang mabago ang paksa ay isinalaysay ang alamat ni San Nicolas na nagligtas sa isang Intsik sa pagkamatay sa mga buwayang naging bato nang dasalan ng intsik ang santo.

Nang datnan nila ang lawa ay nagtanong si Ben Zayb sa Kapitan kung saan sa lawa napatay ang isang Guevarra, Navarra o Ibarra.

Itinuro ng Kapitan. Naghanap si Donya Victorina ng bakas ng pagkamatay ng tubig labingtatalong taon matapos mangyari iyon. Nakasama raw ng ama ang bangkay ng anak, ani Padre Sibyla. Iyon daw ang pinakamurang libing, ayon kay Ben Zayb. Nagtawanan ng iba! Si Simoun ay namumutla at walang kibo. Ipinalagay ng Kapitan na si Simoun ay nahilo dahil sa paglalakabay.

Mga Tulong Sa Pag-aaral

1. Dito’y makikitang naalis ang paniwala ng ating mga nuno sa mga espiritu at pamahiing lalo
Pang nakaiinis ang pangrelihiyon.

Mga Tanong at Sagot

1. Bakit nauwi sa mga alamat ang usapan sa ibabaw ng kubyerta?

Tugon

Binatak dito ni Simoun ang alamat sa Ilog Pasig at isa ang inaasahan niyang mapag-uusapan ang kay Donya Geronima na siya niyang magagamit sa pagbabawas ng kulo sa kanyang dibdib laban sa nagbabanal-banalang si Padre Salvi na batid ni Ibarra ay lumalapastangan sa kapurihan ni Maria Clara sa kumbento ng Sta. Clara.

2. Ano ang pagkakahawig ng alamat ng Malapad-na-Bato sa kasaysayan ng Pilipinas?

Tugon

Noong una ang Malapad-na-Bato ay pinaniniwalaang lugal ng mga espiritu at maligno, isang pugad ng pamahiin. Gayon din ang Pilipinas na noong bago dumating ang mga Kastila ay pinamamayanihan ng mga pamahiin Kapre, tiyanak, tikbalang aswang, at iba pa. Nang ang Malapad-na-Bato ay pagtaguan ng mga tulisan, nabatid ng mga tao na walang katotohanan ang masasamang espiritu sapagka’t walang nangyaring sa mga tulisan. Mga tulisan naman na nanghaharang at pumapatay sa mga napapadpad sa Malapad-na-Bato ang pinagkakatakutan ng mga taong namamangka sa Ilog. Ang Pilipinas sa tulong ng Kristiyanismo, ay di na naniniwala sa mga espiritu at pamahiin na pinatunayan ng mga prayleng Kastila’y walang katotohanan. Sila’y tulisang Kastila naman natatakot ngayon.

Kabanata IV
Kabesang Tales

Buod

Si Tandang Selong umampon kay Basilio sa gubat ay matanda na. Ang ama ng dalagang si Lucia, si Kabesang Tales, na anak ni Tandang Selo, ay isa nang kabesa de baranggay. Yumaman ito dahil sa tiyaga. Nakisama muna sa isang namumuhunan sa bukid. Nang makaipon ng kaunti ay naghawaan ng gubat na nang ipagtanong niya ay walang may-ari, ar ginawa niyang tubuhan. Inisip niyang pag-aralin na sa kolehiyo si Huli upang mapantay kay Basilio na kasintahn nito. Nang ang bukid ay umunlad ito ay inangkin ng mga prayle. Pinabuwis si Kabesang Tales. Tinaasan nang tinaasan ang pabuwis. Di na nakaya ni Kabesang Tales. Nakipag-asunto sa mga prayle.

Matigas ang sabi ni Kabesang Tales. Ipinakita ng mga prayle ang kanilang titulo sa lupa. Wala. Naging kawali si Tano. Di ibinayad ng kapalit ang anak. Anya: Binungkal ko’t tinamnan ang lupang ito, namatay at nalibing dito ang aking asawa’t anak na dalaga {si Lucia} sa pagtulong sa akin kaya’t di ko maibibigay ang lupang ito kundi sa sino mang didilig muna rito ng kanyang dugo at maglilibing muna ng kanyang asawa’t mga anak. At anya pa rin ukol sa pagiging kawal ni Tano, ako’y bumabayad sa abogado. Kung mananalo ako sa asunto ay alam ko na ang aking gagawin upang siya’y mapabalik; nguni’t kung ako’y matalo, di ko na kailangan ang anak.

Tinanuran ni Kabesang Tales ang kanyang bukid. Lagi siyang may pasang baril. Di makapasok doon ang sino man dahil balita si Kabesang Tales sa pagbaril. Nagdala siya ng gulok. Balita sa arnis ang kabesa. Ipinagbawal ang gulok. Nagdala siya ng palakol. Si Kabesang Tales ay nahulog sa kamay ng mga tulisan at ipinatubos. Isinanla ni Huli ang kanyang mga hiyas liban sa isang locket o agnos na bigay sa kanya ni Basilio. Hindi rin nakasapat ang panubos. Ipinasyang mangutang kay Hermana Penchang at maglingkod dito bilang utusan. Noon ay bisperas ng Pasko. Kinabukasan. Araw ng Pasko ay maglilingkod na siyang alila. Masalimuot ang naging panaginip ni Huli nang gabing iyon.

Mga Tulong Sa Pag-aaral

1. Ang agnos ni Huli ay agnos ni Maria Clara na ipinagkaloob sa isang ketongin na napagaling ni Basilio. Ibinayad ng ketongin kay Basilio ang agnos at ito naman ay inihandog ni Basilio kay Huli.

Mga Tanong at Sagot

1. Bakit mahirap maging cabeza de barangay noon?

Tugon

Siya ay isa lamang tagapaningil ng buwis at kung may di magbayad ay siya pa ang nagpapaluwal.

2. Ano ang ibig sabihin ni Kabisang Tales sa magiging lupa rin tayo at hubad tayong talaga nang ipanganak?

Tugon

Hindi dapat matakot sa kamatayan dahil tayo namang lahat ay mamamatay at ano ang ikatatakot sa karalitaan ay nagsimula tayo sa kahirapan sa walang damit.

3. Anong batas ang pumanig sa mga paring korporasyon upang makuha ang lupa ni Kab. Tales?

Tugon

Wala kundi ang batas ng pansariling kaligtasan ng mga eskribano at hukom na takot sa korporasyon ng mga kura. Kaya silang ialis sa tungkulin ng mga prayle. Ang totoo, mabuti ang mga batas ng mga kastila na dapat ipasunod ngunit pinasasama ito ng mga namamahala. Gayong walang naipakitang katibayan ang korporasyon, nakuha nilang masaklit ang lupa ni Kabesang Tales. Isa ito sa mga nakatulong sa katamaran ng mga Plipino. Bakit ka pa magsasakit na gumawa at umunlad kung ito ay kakamkamin lamang sa iyo pagkatapos?

4. Bakit matagal na di kinausap ni Tandang Selo ang anak ni Kabesa?

Tugon

Dahil pinayagang magkawal si Tano at di ibinayad ng kapalit na maaaring gawin noon. Noon ay sadyang nangunguha ng kabataang pinagkakawal nguni’t maaaring kumasundo sa isang sadyang napauupang kapalit at ang isang anak ng maykaya ay maaaring di na magkawal.

5. Bakit sinabi ni Kab. Tales na kung siya’y matatalo sa usapin ay di na niya kailangan ang anak?

Tugon

Kung matatalo siya sa usapin wala na rin siyang maibibigay na kinabukasan sa kanyang anak at kaya puspusan ang ginagawa niyang paglaban ay sa kapakanan din ni Tano ang kanyang hangad ito ang magiging tagapagmana ng kanyang lupain.

6. Sa ano inihambing ng ilan si Kab. Tales sa kanyang pakikipag-asunto sa mga prayle?

Tugon

Palayok na bumangga sa kaldero; langggam na kumakagat kahit na siya’y tiirisin
lamang.

7. Bakit kung kailan pa walang makalapit na tulisan sa lupain ng dinukot ng mga tulisan?

Tugon

Noong una’y walang makalapit na tulisan sa lupain ng kabesa dahil sa siya’y may baril noon at siya’y magaling mamaril. Nang ipagbawal ang baril, nagdala naman siya ng gulok at siya’y balita sa arnis. Kaya nang palakol na lamang ang dala niya saka siya napangahasang lapitan at dukutin ng mga tulisan upang ipatubos.

8. Anong ginawa ni Huli ang pinintasan ni Rizal?

Tugon

Ang pag-sa sa mga milagro. Inilagay ni Huli ang perang napagbilhan ng kanyang mga alahas sa ilailim ng imahen ng Birhen at umaasang iyon ay magiging doble kinabukasan. Sinana’y ng mga prayle noon ang mga Pilipino sa ganitong pag-asa sa mga milagro upang matuto pang magtiis ang mga katutubo at iasa ang kanilang bukas sa pagmimilagro ng kanilang mga patrong santo sa halip na gumawa sila ng mga paraang maaaring sa pag-uusig sa maykapangyarihan ay humantong sa himagsikan. Ito kaya ang nakatulong sa ating pagpapaubaya ng lahat ky Bathala o ang kaisipan natin na bahala-na?

Kabanata V
Ang Noche Buena ng Isang Kutsero

Buod

Gabi na’t inilalakad na ang prusisyong pang-noche buena nang dumating si Basilio sa San Diego. Naabala sila sa daan dahil nalimutan ng kutsero ang sedula nito at ito’y kinakailangang bugbugin muna ng mga guwardiya sibil.

Idinaan ang imahen ni Metusalem, ang pinaka-matandang taong nabuhay sa mundo. Kasunod na idinaan ang mga imahen ng tatlong Haring Mago. Nakapagpaalaala kay Sinang ang itim na Haring Melchor. Itinanong kay Basilio kung nakawala na ang kanang paa ni Bernardo Carpio na naipit sa kabundukan ng San Mateo. Kasunod sa prusisyon ang mga batang malulngkot sa pag-ilaw. Si San Jose naman. Kasunod naman ay mga batang may mga parol. Nasa dulo ng prusisyon ang Birhen.

Natapos ang prusisyon. Napuna ng mga sibil na walang ilaw an parol ng karitela. Pinarusahan uli ng mga sibil ang kutsroong si Sinong. Naglakad na lamang si Basilio.

Tanging bahay ni Kap. Basilio ang tila masaya sa mga nadaraanan ni Basilio. May mga manok na pinapatay. Nasilip ni Basilio na ang Kapitan ay nakikipag-usap sa kura, sa alperes, at kay Simoun.. nagkakaunawaan na tayo, G. Simuon, ani Kapitan Basilio, Tutungo tayo sa Tiani upang tingnan ang inyong mga alahas. Nagbilin ng isang kairel sa relo ang alperes. Isang pares na hikaw naman ang ipinakikibili’ ng kura. (Bakit kaya hikaw?)

Nasabi ni Basilio s sarili na si Simuon ay may kasindak-sindak na pagkatao. Ang lahat ay nakapaghahanap-buhay sa bayang ito maliban sa amin.

Sa bahay ni Kap. Tiyago ay iginagalang si Basilio, lalo na ng matandang utusan, nang makitang tumistis ng isang maysakit si Basilio na parang walang ano man.

Ibinigay ng mga utusan ang mga ulat. Mga kalabaw na namatay, mga katulong na napipiit at namatay ang matandang nagtatanod sa gubat. Nanghinayang si Basilio nang mabatid na sa katandaan namatay ang matanda.. Ibig niyang makatistis ng tao. Ang huling balita’y ukol sa pagkadukot ng mgs tulisan kay Kab. Tales. Di nakakain ng hapunan si Basilio.

Mga Tulong Sa Pag-aaral

1. Si Basilio ay katiwala ni Kap. Tiyago.
2. Ang mga pag-aari nina Ibarra ay sinasamsam ng pamahalaan (at ng simbahan) at ipinagbili ang ilan. Si Kap. Tiyago ang nakabili ng gubat nina Ibarra. Iyonang tinatanuran ng matandang namatay.

Mga Tanong at Sagot

1. Bakit nasabi ng kutserong si Sinong na noong panahon ng mga santo ay walang guwardiya sibil?

Tugon

Dahil sa mga pahirap na tinatanggap niya sa mga sibil, nasabi ni Sinong na walang sibil noon sapagka’t di maaaring tumanda nang gayon si Metusalem at di maaaring maging pari na papagitna pa sa dalawang haring puti si Melchor na isa sa tatlong Haring Mago. Tiyak daw na mabibilanggo si Haring Melchor.

2. Bakit naging kapani-paniwala sa mga mangmang na Pilipino noon ang alamat ni Bernardo Carpio?

Tugon

Ito ay pinalaganap na talaga ng mga Katila. Si Bernardo Carpio ay isang likhang guniguni na hango sa isang alamat na hiram sa Mehiko, dumating dito bilang tauhan sa isang awit o isang korido, at sa nilakad-lakad ng mga taon ay ginawang katutubo at kinilalang hari ng mga mangmang na ring Pilipino. Sinasabing sa pamamagitan ng lalang ng mga kastila ay naipit ng nag-uumpugang bundok sa Montalban {sa Rizal} si Bernardo Carpio nguni’t unti-unti nang nakakawala at sa panahon ni Sinong ay kanang paa na lamang ang di naiaalpas. Pagnakawala raw si Bernardo Carpio ay siya ang mamumuno sa mga Pilipino sa paghihimagsik laban sa mga Kastila.

Kung isang katutubo o mga kura na rin ang nagsimula ng ganitong alamat ay di natin matiyak nguni’t ay pinabayaan ng mga Kastila, at tinulungan pang yumabong sa isipan ng mga Pilipino sa pamamgitan ng mga aral na ang pagtitiis at pagpapakasakit ay nagtatamong kaluwalhatian sa langit. Dahil sa mga kuwentong tulad nito, nawawala o mababawasan ang paghahangad ng mga Pilipino na ihanap ng lunas ang kanilang mga kapihan. Hihintayin na lamang nila ang paglaya nila ang paglaya ni Bernardo Carpio, ng kanilang hari, at saka na sila magbabagon.

Mga Tanong na Maaaring Talakayin

Ang mga sibil ay karaniwang mga Pilipino rin noong panahon ng Hapones, higit daw na mahigpit magparusa ang mga Pilipinong naglilingkod sa garison kaysa mga Hapones na rin. Ang mga gerilyo ay gumagamit ng maraming uri ng pagpatay na totoong nakapanghihilakbot. Noong kalaganapan ng kilusan ng Huk (1946-1956), ang mga pagpapahirap at pagpatay ng Huk at mga kawal na rin ng pamahalaan ay nakapangingilabot din. Bakit nagkaganito ang mga Pilipino? Ibatay ang tugon sa mga paglalarawan ng buhay sa Noli at Fili at sa ating mga ulat na pangkasaysayan. Makakabangon kaya tayo bilang isang lahi?

Kabanata VI
Si Basilio

Buod

Nang tumutunog ang mga batingaw ng noche buena si Basilio ay palihim na nagtungo sa gubat. Paliit ang buwan. Kaya’t paaninaw na tinungo ni Basilio ang libing ng kanyang ina. Ipinagdasal ang kaluluwa ng ina at gunita ng nakaraang may 13 taon.

Namatayan ang kanyang ina. May dumating na lalaking sugatan. Pinahakot siya ng kahoy na ipansusunog sa bangkay ng ina at ng sugatang lalaki. May dumating pang isang lalaki. Tumulong ito sa pagtatalsakan ng kahoy at paglilibing sa kanyang ina.

Umalis siya sa gubat. Lummuwas ng Maynila. Maysakit at gulanit ang damit. Ninais nang pasagasa sa mga karuwahe dahil sa hirap at gutom. Natagpuan niya sina Kap. Tiyago na katatpos dalhin sa beateryo si Maria Clara. Kinuha siyang katulong o utusan. Ping-aral sa Letran. Unang taon: wala siyang nabibigkas kundi ang pangalan niya at ang salitang adsum o narito po. Minaliit siya dahil sa luma at gulanit na suot. Gayunman ay lagi siyang nagsasaulo ng leksiyon. At nang matuos niyang sa tatlo o apat na paraan sa kanyang klase ay may 40 lamang ang nagtatanong di na sumama ang loob niya. Nang magsulit, natugon niya ang tanong sa kanya at ang marka niya para sa unang taon ay aprovado. Ang siyam niyang kasamahan sa pagsusulit ay nangag-ulit na lahat.

Ikatlong taon. Naisipan ng professor na Dominiko ang pagtanong kay Basilio na akala niya’y tanga upang magpatawa sa klase. Natugon ni Basilio ang tanong. Parang loro siya sa pagsagot. Noo’y di na tinanong si Basilio. Bakit pa tatanugin ito’y di naman nakapag-papatawa sa klase? Nawalan ng sigla sa pag-aaral si Basilio. Nguni’t isang professor niya ang nasiyahang tumanggap ng hamon ng mga kadete sa isang pasyalan at nagyakag ng mga estudyante niya na inilaban niya sa mga kadete sable laban sa baston. Namayani si Basilio sa labanan. Nakilala ng professor. Nang magtapos: sobresaliente at may mga medalya pa.

Muhi si Kap. Tiyago sa mga prayle mula nang magmongha si Maria Clara. Pinalipat si Basilio sa Ateneo Municipal. Malaki ang natutuhan ni Basilio. Nagsulit siya sa pagkabatsilyer. Ipinagmalaki siya ng kanyang mga profesor. Nakasulit siya at kumuha ng medisina. Pagkatapos, naging matiyaga at masigasig sa pag-aaral si Basilio. Kaya di pa man nakakatapos ay nakapanggamot na siya. At huling taon na ng pag-aaral ni Basilio. Pagkatapos niya’y pakaksal na sila ni Huli.

Mga Tulong Sa Pag-aaral

1. Totong malaki ang bilang ng mga mag-aaral sa klase noong panahon nina Rizal – 300 hanggang 400 sa isang klase. Paano magiging mabisa ang pagtuturo?

2. Dito’y inilarawan ni Rizal ang higt na kaunlaran ng mga Hesuwita sa Ateneo kaysa mga Dominiko na siyang halos namamahala sa pagtuturo sa Pilipinas.

Mga Tanong at Sagot

1. Bakit kailangang palihim pa ang pagtungo ni Basilio sa gubat na ari ni Kap. Tiyago?

Tugon

Ayaw na niyang maungkat nino man ang kanyang kahapon. Siya’y pinaghahanap pa rin ng bats sa likod ng may 13 taon nang nakakalipas. (Alalahaning buhay pa si Padre Salvi na bahagi ng pamahalaan).

2. Ano ang kapuna-na sa pagkakapagaling ni Basilio sa ketonging nilimusan ni Maria Clara ng isang agnos na mamahalin?

Tugon

Kahit nitong mga panahon ito ay may ilan pang naniniwala na ang ketong ay nakakahawa at di napapagaling. Sa sandaling magkaketong ang iasng tao siya ay ibinibilang nang patay nabubuhay na patay walang pag-asa at kadalasa’y pinatitira sa mga malalayong kabundukan upang hindi makahawa. Lalo pa noong panahon nina Rizal. Maalaala na ang ketonging ito na nilimusan ni Maria Clara ng agnos ay sumagip ng isang bata na nalulunod sa knal. Sa halip na pasalamatan ay pinagpapalo at pinarusahan. Mabuti pa raw nalunod na ang bata kaysa mahawa. Nguni’t noon pa man ay naniwala na si Rizal na ang ketong ay mapapagaling. Kung totoong may katibayan si Rizal sa mga pangyayaring inilarawan niya sa Noli at Fili isang estudyante lamang nguni’t masigasig at palaaral na tulad ni Basilio ay nakapagpagaling ng isang ketongin.

Kabanata VII
Si Simoun

Buod

Pauwi na sana si Basilio nang may marinig siyang mga yabag at liwanag na palapit. Nangubli siyan sa puno ng baliti. Sa kabila ng puno tumigil ang dumating. Nakilala ito ni Basilio-ang mag-aalahas nang mag-alis ito ng salamin. Nangsimulang maghukay si Simoun sa tulong ng isang asarol. Naalaala si Basilio. Ito ang taong tumulong sa paglilibing sa kanyang ina at sa pagsunog sa isa pang lalaking doon namatay. Nag-isip si Basilio. Sino sa dalawang lalaking ito ang namatay o ang buhay na nagbubuhay Simoun- ang si Ibarra?

Napakita na kay Simoun si Basilio at nag handog ng pagtulong bilang ganti sa tulong na ipanagkaloob nito nam ay 13 ton na ang nakalilipas. Tinitutukan ni Simoun ng baril si Basilio. Sino ako sa palagay mo? tanong ng mag-aalahas. Tugon ni Basilio. Kayo po’y isang taong mahal sa akin, kayo’y ipinalalagay ng lahat, matangi sa akin, na patay na at ang mga kasawian sa buhay ay madalas kong ikinalulungkot. Lumapit si Simoun sa binata. Aniya: Basilio, ika’y naghahawak ng isang lihim na maaring magpangayaya sa akin, at ngayo’y natuklasan mo pa ang isa na kung mabubunyag ay ikasisira ng aking mga balak. At sinabi ni Simoun na dapat ay patayin na niya si Basilio upang iligtas ang kanyang layunin. “Gayunman, hindi ko marahil pagsisihan na ika’y di ko patayin. Gaya ko rin ay may dapat kang ipakipagtuos sa lipunan. Ikaw at ako ay uhaw sa katarungan Dapat tayong magtulungan.

At inamin ni Simoun na siya nga si Ibarra. Isinalaysay nito ang pagkakapaglibot sa buong daigdig upang magpakayaman. Nagbalik upang ibagsak ang pamahalaang marumi sukdang ipagdanak ng dugo. Siya raw ay sadyang nagpapalala sa pag-iimbot at pagmamalabis ng taong pamahalaan at simbahan upang gisingin ang damdamin ng bayan sa paghihimagsik.

Nguni’t sinuwatan niya sina Basilio at mga kasamahan na nagbabalak magtayo ng paaralan ng Wikang Kastila at humihinging gawing lalawigan ng Espanya ang pilipinas at bigyan ng pantay na karapatan ang mga Kastila at Pilipino. Ito raw ay magbibigay daan sa Pilipinas sa pagiging bayang walang sariling pagkukuro, walang kalayaan at pati kapintasan ay hiram dahil sa pagpipilit manghiram ng wika. Ibig raw nina Basilio na matulad ang Pilipinas sa mga bansang magugulo sa Timog Amerika (South Amerika).

Ayon kay Basilio ang kastila ay isang wikang magbubuklod-buklod sa mga pulo ng Pilipinas.

Ito’y pinabulaan ni Simoun. Anya: Ang kastila kailanman ay di magiging wikang pangkalahatan sa bayang ito ; sapagka’t sa mga kulubot ng kanyang isip at sa pintig ng kanyang puso ay wala ang mga akmang pananalita sa wikang iyan. Iilan lamang daw ang nakapagsasalita ng Kastila. At ang iilang ito ay mawawalan ng sariling kakayahan, magpapailalim sa ibang utak, paaalipin. Tinuligsa ni Simoun ang mga pangkat na naghahangad luminang sa wikang Kastila at di sa kaalamang magsalita o sumulat sa sarili nilang wika. Tinuligsa rin niya ang mga nagpapanggap na di sila maalam magsalita at umunawa ng sariling wika.

Mabuti, ani Simoun, at hangal ang pamahalaang Kastila na ayaw magpaturo ng wika nito sa mga nasasakupang di tulad ng Rusya at Alemanya. Ani Simoun: Kayo’y nakalilimot na habang ang isang bayan ay may sariling wika, napananatili rin nito ang kanyang paglaya. Ang wika ay isang pag-iisip ng bayan .

Inihimutok ni Simoun na ang kilusan ng kabataan sa pagpapaturo ng Kastila ay ipinagdurusa ng kanyang loob. Naniniwala siyang matapat sa kabataang ito ang paniniwala na sa kapakanan ng bayan ang kanilang ginagawa. Ninais niyang kausapin sina Isagani at Macaraeg. Nguni’t baka di siya pakinggan ng mga ito. Naisip rin niyang pagpapatayin ang mga ito.

Nagpatuloy si Simoun ukol sa kilusang ibinunsod ng kabataan Bukod sa isang pag-aaksaya ng panahon ay nilinlang ninyo ang bayan sa pag-asa sa wala at tinutulungan ninyong magyuko ng ulo sa mga mapangamkam. Ayaw silang matulad kayo sa mga Kastila? Napakabuti! Paunlarin ninyo ang katutubong ugali. Ayaw kayong bigyan ng kinatawan sa Kortes? Mabuti. Ano ang magagawa ng isang tinig sa karamihan? Habang nagmamaramot sila sa pagbibigay ng karapatan sa inyo lalong malaki ang matatamo ninyo pagkatapos upang ibagsak sila at gantihan ng sama ang sama. Ayaw ituro sa inyo ang kanilang wika, paunlarin ang isang katutubong wikain nang mawala ang pagtatangi-tangi at magkaroon ng mga layuning pambansa. Huwag hayaang magpalagay ang Kastila na sila ang panginoon dito at sila’y bahagi ng bayang ito kundi manlulupig at dayuhan. Sa gayo’y matatamo ninyo ang paglaya. Iyan ang dahilan at binayaan ko kayong mabuhay!

Nakahinga si Basilio. Aniya’y di siya pulitiko. Lumagda siya sa kahilingan ukol sa paaralan dahil inaakala niyang iyo’y mabuti. Sa panggagamot daw siya nakaukol.

Sa kasalukukuyang kalagayan daw ay di makapanggagamot nang mahusay si Basilio ayon kay Simoun. Ang sakit ng bayan ay siyang higit nangangailangan ng kagamutan. Walang halaga ang buhay na di nauukol sa isang layuning dakila, parang isang bato sa linang sa halip maging sangkap sa isang gusali.

Ani Basilio pinili niya ang siyensiya para makapaglingkod sa bayan. Nauwi sa kadakilaan ng karunungan ang pag-uusap. Ang karunungan ay panghabangpanahon, makatao at pandaigdig. Sa loob ng ilang daantaon, kapag ang sangkatauhan ay tumalino na, kung wala nang lahi-lahi, lahat ng bayan ay malaya at wala nang mang-aalipin at napaaalipin, iisa na ang katarungan at lahat ng tao’y mamamayan na ng daigdig at ang tanging layunin ng tao ay pagkakamit ng karunungan, ang salitang kagitingan at pag-ibig sa bayan ituturing na panatisismo o kabaliwan at ikabibilanggo ng nagsasabibig nito.

Napailing si Simoun. Upang makaabot daw sa kalagayang sinabi ni Basilio ang daigdig kailangan munang lumaya ang mga tao at ito ay nangangailangan namang pagpapadanak ng dugo upang ang mga sinisikil ay makalaya sa mapaniil. Pangarap lamang daw ang kay Basilio. Ang kadakilaan ng tao ay di magagawa sa pagpapauna sa kanyang panahon kundi nasa pagtugon sa kanyang pangangailangan at hangarin sa pag-unlad.

Napuna ni Simoun na hindi naantig ang kalooban ni Basilio. Inulos niya ng tuya si Basilio. Sinabi ni Simoun na walang ginagawa si Basilio kundi tangisan ang bangkay ng ina na parang babae. Paano ako makapaghihiganti? tanong ni Basilio. Ako’y dudurugin lamang nila. Sinabi ni Simoun na tutulungan siya. Hindi na raw bubuhayin ng paghihiganti ang ina o kapatid niya, tugon si Basilio. Ano ang mapapala ko kung sila’y ipaghihiganti? .

Makatulong sa iba nang di magdanas ng gayon ding kasawian, tugon ni Basilio. Ang pagpapaumanhin ay di laging kabaitan, ito’y kasalanan kung nagbibigaay-daan sa pang-aapi. Walang mang-aalipin kung walang paaalipin. At ipinaalaala ni Simoun na sa pag-aaral ni Basilio ay maaaring danasin nito ang dinanas ni Ibarra. Nagtaka si Basilio. Siya na raw ang inapi ay siya pa ang kamumuhian. Likas sa tao ang mamuhi sa kanyang inaapi, ani Simoun. Nguni’t di ko sila pinakikialaman; pabayaan nila akong makagawa at mabuhay. Tugon ni Basilio na sinundan ni Simoun ng:

At magkaanak ng mababait na alipin Ang mga damdaming mabuti o masama ay namamana ng anak. Kayo ay walang hangad kundi isang munting tahanan, kaunting kaginhawahan, isang asawa; isang dakot na bigas; at iyan ang mithiin ng marami sa Pilipinas, at kung iyan ay ibigay sa inyo, ituturing ninyong kayo’y mapalad na.

Magmamadaling araw na. Matapos sabihing di niya pinagbabawalan si Basilio sa pagbubunyag ng kanyang lihim ay sinabing kung may kailangan si Basilio ay magsadya lamang ito sa kanyang tanggapan sa Escolta. Nagpasalamat si Basilio. Naiwan si Simoun na nag-iisip: Di kaya niya napaniwala si Basilio sa paghihiganti o may balak itong maghiganti nguni’t naglilihim lamang at nais sarilinin iyon o sadyang wala nang hangad maghiganti. Lalong nagtumining sa loob ni Simoun ang matinding nasa na makapaghiganti.

Mga Tulong Sa Pag-aaral

1. Matatanto sa pag-aakala ni Basilio na ang Kastila ay wikang siyang mag-uugnay sa mga Pilipinong may iba’t ibang wikain na isa si Rizal sa mga unang nag-isip sa pangangailangan natin ng isang pambansang wika.

2. Si Ibarra kailanma’y di nakita ni Basilio kundi nang dumating ito sa gubat at makatulong niya sa paglilibing sa kanyang ina. Nang dumating si Ibarra. Di pa nakikita ito ni Basilio, ay nangyari na ang pagtatago niya sa mga guwardiya sibil. Katapusan ng Oktubre nang dumating si Ibarra sa Pilipinas mula sa Europa. Ika-23 ng Disyembre nang maganap ang habulan sa lawa. Dalawang buwang maysakit si Basilio sa gubat sa pagkakandili nina Tandang Selo. Bisperas ng Pasko nang maisipan niyang hanapin ang ina at sila’y magkita ni Ibarra sa unang pagkakataon. Nang magkita sila uli ay sa bahay na ni Kap. Tiyago nguni’t si Ibarra ay nagbabalatkayo nang isang Simoun at di nakilala ni Basilio. (Si Basilio ay kilala ni Simoun). Palagi si Simoun kina Kap . Tiyago sa pagkukunwaring isang ganid na nag-aabang ng mamamana sa maysakit na Kapitan nguni’t sa totoo’y upang makasagap ng balita ukol kay Maria Clara.

3. Tatlo ang pinag-aalayan ni Simoun ng kanyang paghihiganti

a) Si Don Rafael
b) Si Maria Clara
c) Si Elias-pawang mga sinawing-palad ng lipunang nais niyang iwasak.

Mga Tanong at Sagot

1. Si Elias at Ibarra ay kapwa di kilala ni Basilio noong siya ay isa pa lang sakristan. Paano natiyak ni Basilio na si Simoun ay si Ibarra nang makita sila sa gubat makaraan ang labimpitong-taon?

Tugon

Si Basilio ay matalino at pinag-ugnay niya ang mga pangyayari:

a. Bago namatay ang sugatang lalaki ay nagbilin sa kanya na kung walang darating sa gubat na iyon ay ariin niya ang kayamanang nakabaon sa puno ng balite. Ang dumating ay isang mestiso na ngayo’y siyang humukay sa lugal na pinagbaunan ng kayamanan.

b. Alam ni Basilio na mestiso ang anak ni Don Rafael; ang namatay sa gubat ay kayumanggi.

c. May sugat na taglay ang lalaking namatay. Noon ay nabalitang napatay sa lawa si Ibarra. Nguni’t ang mestiso ay walang sugat. Samakatuwid, iyong kayumanggi ang hinabol at pinagbabaril sa lawa, hindi ang mestisong si Ibarra.

2. Bakit di hinukay ni Basilio ang kayamanan sa puno ng balite gayong lagi siyang nasa libingan ng kanyang ina sa loob ng 13 taon?

Tugon

Bilin ni Elias na hukayin niya ang kayamanan at ariing kanya kung walang darating na iba. May dumating-si Ibarra. At nakalimutan na ito ni Basilio. Tangi sa rito, malayo nang kaunti sa puno ng balite ang libing ni Sisa at gabi kung magtungo roon nang palihim si Basilio.

3. Bakit ibinaon ni Ibarra si Sisa nguni’t sinigan ang bangkay ni Elias?

Tugon 

Ibig ni Basilio na maibaon ang ina. Bilin naman ni Elias na sunugin ang kanyang bangkay.

4. Ani Simoun ay nakabatid si Basilio ng dalawang lihim ukol sa kanya na maaaring magpahamak sa kanya kung ibubunyag ng estudyante. Ano ang mga lihim na ito?

Tugon

a. Na si Ibarra ay buhay pa.
b. Na si Ibarra’t si Simoun ay iisa. Ito ay maaaring magpahamak sa kanya at sa balak niyang paghihiganti.

5. Bakit di pinatay ni Simoun si Basilio upang pangalagaan ang kanyang lihim?

Tugon

a. Si Basilio ay katulad din niyang sawimpalad sa pamahalaan at simbahan.
b. Si Basilio ay di makapagsusuplong dahil pinaghahanap din ito ng mga sibil.
k. May mga utang na loob si Basilio kay Simoun tulad ng inamin na rin ng estudyante-pagkapagamot ni Ibarra kay Sisa at pagkahukay ng pinaglibingan nito.
c. Higit na paniniwalaan ng pamahalaan si Simoun kaysa kay Basilio.
d. Kailangan ni Simoun ang kabataang tulad ni Basilio sa balak niyang paghihimagsik. At sa kabataan ay si Basilio ang higit sa lahat na makauunawa kay Simoun.

6. Paano nakapang-aalipin ang isang wika?

Tugon

Kung ang wikang ito ay dating sa isang mananakop, ito ay nagiging sagisag ng kapangyarihan kaya’t ito ay pinaghahangaran ng mga sakop dahil katutubo sa tao ang maghangad na tumaas, o tumayog. (Ito’y isa sa mga mikrobyo ng isipang-alipin o Colonial Mentality). Mamaliitin na ng dating sakop ang sariling kanya hanggang sa ito ay tuluyan naising inisin o patayin at buhayin at payabungin ang sa dayuhan. Mga aklat, babasahin, at sineng dayuhan ang kanyang pamumuhay sa pamumuhay ng dayuhan na nababasa at napapanood niya. Pananamit, pagkilos, pagkain, kasangkapan at iba pa. Pagsusulit-sulit: Dayuhan sa sariling bayan.

Sa ngayo’y alipin ng Ingles ang sangkapilipinuhan. Ang salitang imported ay ipinagmamalaki; ikinahihiya ang lokal. Payabangan sa mga ternong Amerikano na di angkop sa klima natin. Pagandahan ng kotse na di kayang gawin sa Pilipinas at gasolina’y tiyak na sa angkat lamang daraan. Paglulupit-lupit: Ang ating angkat (Import) ay laging ibayong malaki kaysa lumalabas na paninda(Export) kaya’t unti-unting namumulubi ang bansa at ang kinabukasan ng ating mga susunod na salin ng lahi ay ating ipinaaanod sa baha ng kasalukuyan nating mga bisyo at di maiwasang hilig na masasabing buhat sa pang-aalipin sa atin ng wikang Ingles.

7. Ano ang kapuna-puna sa mga inilarawan ni Rizal na mga tauhang ayaw magsalita ng Tagalog at pangangastila ang pinag-iigi?

Tugon

Mga hindi mahusay magsalita ng kastila. (Donya Victorina, Donya Consolacion).

8. Bakit ayon kay Simoun ay hindi magiging wika na ng kapuluan ang kastila?

Tugon

Anya-ang kulubot ng kanyang isipan at mga pintig ng kanyang puso ay walang akmang katugon sa wikang Kastila. (Paano nga naman masasabi sa ibang wika ang ganito halimbawa: Huwag mong itapon ang lamang gugo at panghilod ng tabo na nasa sulok ng batalan.

9. Ang makabagong kaisipang ukol sa pandaigdig na pulitika ang ipinahayag ni Rizal noon pa man sa pamamagitan ni Basilio?

Tugon

Ang diwa ng Nagkakaisang Daigdig o United Nations. (Ani Basilio ay magiging maligaya lamang ang tao kung ang buong sangkatauhan ay ay ituturing nang mamamayan ng daigdig at ang magtatalumpati ukol sa kagitingan at pagmamahal sa bayan ay ipalalagay na baliw o fanatico) Dahil dito masasabi nating isa si Rizal sa mga unang may diwang pandaigdig o internationalist. Malaki ang pagkakauna niya sa kanyang panahon.

Kabanata VIII
Maligayang Pasko

Buod

Hindi naghimala ang birhen. Di nagbigay ng karagdagang salaping kailangan ni Huli. Natuloy si Huli sa pagpapaupa kay Hermana Penchang. (Iyon ay araw ng Pasko). Sa sama ng loob ay napipi si Tandang Selo.

Mga Tanong at Sagot

1. Papaano makatulong ng malaki ang mga prayle sa matagal na pagkakaalipin ng Pilipinas?

Tugon

Itinuturo ng mga kura na isa sa mga mabtuing katangian ng mga Katoliko ay ang pagtitis at pg-asa sa mga milagro ng Santo (o ng lilok ng larawan). Si Huli halimbawa, ay umaasa o nagbabasakali sa pagmimilagro ng Mahal na Birhen. Ngunit ng di matupad ito, natuto siyang magtiis at inihanap ng katwiran ang kanyang kasawian.

2. Bakit sa halip na hintayin ng mga bata na may tuwa ang araw ng pasko ay kinatatakutan pa nga nila ito?

Tugon

a) maaga silang ginigising para magsimba;
b) binibihisan sila ng mga magagara (ayaw ng mga bata ng matitigas na damit dahi lsa almirol at mga bagong sapatos na masakit sa paa);
k) isinisimba sila sa misa mayor na matagal;
d) pinaluluhod sila sa lahat ng kamag-anakan upang humalik sa kamay.

Kabanata IX
Ang mga Pilato

Buod

Pinag-usapan sa bayan ang nangyari kay Tandang Selo at kung sino ang may kasalanan sa ipinagkagayon ng matanda.

Ang alperes o tenyente ng guardia sibil? Ano raw ang kasalanan niya? Kaya lamang daw niya sinamsam ang mga sandata ay utos sa kanya iyon, hindi upang bigyan ng pagkakataon ang mga tulisan upang madukot si Kabesang Tales. At di raw niya kasalanan kung di man matagpuan si Kabesang Tales.

Ang asenderong bagong gumagawa ng lupa ni Kabesang Tales? Paano raw niya isusuplong ang pagdadala ni Kabesang Tales ng armas e kung tingnan siya’y parang pinipili ang pinakamabuting patamaan sa kanya. Kung namalagi raw si Kabesang Tales sa bahay ay di sana nadukot ng mga tulisan.

Si Hermana Penchang na bagong panginoon ni Huli? Ang may sala raw ay si Tandang Selo na rin na may kasalanan dahil di marunong magdasal at di nagturo ng wastong pagdarasal sa mga kaanak na tulad ng ginagawa niya ngayon kay Huli na tinuturuan niya ng dasal at pinababasa niya ng aklat na. Tandang Basyong Makunat. Nang mabalitaang tutubusin ni Basilio ang kasintahan ay nagsabing si Basilio ay isang demonyong nag-aanyong estudyante na ibig magpahamak sa kaluluwa ng dalaga.

Nakauwi si Kabesang Tales sa tulong ng salaping napagbilhan ng mga alahas ni Huli at nautang ng dalaga kay Hermana Penchang. Nabatid niyang iba na ang gumagawa ng kanyang lupa, nagpaupang utusan si Huli, pipi ang amang si Tangdang Selo, at pinaalis siya sa kanyang bahay, sa atas ng hukuman at sa katuwaan ng mga kura at gugmawa ng lupa. Si Kabesang Tales ay naupo sa isang tabi at nanatiling walang kibo.

Mga Tanong at Sagot

1. Ano ang nilalaman ng Tandang Basyong Makunat? na isinulat ng isang prayle.

Tugon 

Ito’y kuwento ng isang mag-anak ni Tandang Basyong Makunat na nagpaaral ng anak na lalaki na naging suwail kaya’t ang payo sa aklat ay huwah magpapaaral ng anak na lalaki sapagkat pag ang lalaki raw ay nawalay sa kanyang kalabaw ay kinukubabawan na ito ng demonyo. Ito’y naglalayon na huwag matuto ang mga Pilipino, manatiling mga mangmang na magsasaka at nang patuloy silang mapagsamantalahan ng mga prayle. Ang anak na dalaga naman ay pinapayuhang laging pasasakumbento ano mang oras upang mangumpisal kura at ang mga magulang na di susunod dito ay tutungo sa impiyerno.

2. Ano ang kaugnayan ng pamagat na Mga Pilato sa laman ng kabanata?

Tugon

Si Pilato ay siyang naggawad ng hatol na si Kristo ipako sa krus gayong batid niyang walang kasalanan si Hesus. Sinunod niya ang hiling ng mga tao nasulsulan ng mga tauhan ng tulisang si Barabas. Pagkatapos ay naghugas siya kamay at sinabing wala siyang kasalanan.

Ito rin ang katwiran ng iba-ang gumagawa ng lupa ang kura Clemente, si Hermana Penchang ng nagsamantala sa katangahan at kawalang-kaya ng isang dalaga upang gawin itong busabos sa araw pa naman ng pagsilang ng Panginoon, siya pa namang isang manang na manang at katolikong-katoliko. Silang lahat ay may kasalanan ngunit nagsabing wala.

Kabanata X
Kayamanan at Karalitaan

Buod

Sa bahay ni Kabesang Tales nakipanuluyan si Simoun. Ito’y nasa pagitan ng San Diego at Tiyani. Nagdarahop si Kabesang Tales ngunit dala nang lahat ni Simoun ang pagkain at ibang kailangan at dalawang kaban ng mga alahas.

Ipingmalaki ni Simoun ang kanyang rebolber kay Kabesang Tales. Nagdatingan ang mga mamimili ng alahas. Si Kapitan Basilio, ang anak na si Sinang at asawa nito, Si Hermana Penchang mamimili ng isang singsing na brilyante para sa birhen ng Antipolo. Binuksan ni Simoun ang dalawang maleta ng alahas. Mga alahas na may iba’t ibang uri, ayos, at kasaysayan.

Napatingin si Kabesang Tales sa mga alahas ni Simoun. Naisisp niyang parang sa tulong ng kayamanang iyon ay tinutudyo siya ni Simoun, nilalait ang kanyang kapahamakan. Sa bisperas pa naman ng araw ng kanyang pag-alis sa bahay niyang iyon isa lamang pinakamaliit sa mga brilyanteng iyon ay sapat nang pantubos kay Huli at makapagbigay ng kapanatagan sa matanda na niyang ama. Wala namimili isa man sa mga nagsitawad sa mga luma ang makasaysayang alahas ni Simoun.

Inilibas ni Simoun ang mga bagong hiyas. Dito namili sina Sinang at iba pa. Siya raw ay namimili rin ng alahas, ani si Simoun. Tinanong si Kabesang Tales kung may may ipabibili. Iminungkahi ni Sinang ang kuwintas. Tinawaran agad ni Simoun ng makilalang iyon nga ang kuwintas ng kasintahang nagmongha. Limandaang piso. O ipagpalit ng Kabesa sa alin mang hiyas na maibigan niya. Nag-isip si Kabesang Tales. Ani Hermana Penchang ay di dapat ipagbili iyon dahil minabitu pa ni Huli ang paalila kaysa ipagbili iyon. Isinangguni raw muna ni Kabesang Tales sa anak ang bagay na iyon. Tumango si Simoun.

Ngunit nang nasa labas na ng bahay ay natanaw ni Kabesang Tales ang prayle at ang bagong gumagawa ng lupa. Nangagtawanan pa iyon ng makita si Kabesang Tales. Tulad niya ay isang lalaking nakita ang kanyang asawa na kasama ang ibang lalaki at pumasok sa isang silid at nangagtatatwanang inaglahi ang kanyang pagkalalaki. Bumalik ng bahay si kabesang Tales. Sinabi kay Simoun na di niya nakausap ang anak.

Kinabukasan, wala si Kabesang Tales. Gayundin ang rebolber ng mag-aalahas-wala sa kaluban at ang naroroon ay isang sulat at kuwintas ni Maria Clara. Humingi ng paumanhin si Kabesang Tales sa pagkakahuha ng baril na kailangan daw niya sa pagsapi niya sa mgas tulisan. Pinagbilinan si Simoun na mag-ingat sa paglakad sapagkat pagnahulog ang mag-aalahas sa kamay ng mga tulisan ay mapapahamak ito. Ani Simoun-sa wakas ay natagpuan ko ang taong aking kailangan: Pangahas ngunit mabuti nga ito-marunong tumupad sa mga pangko.

Dinakip ng mg a guwardiya sibil si Tandang Selo. Natutuwa si Simoun. Tatlo ang pinatay ni Kabesang Tales ng gabing iyon. Ang prayle, ang lalaking gumagawa sa lupa, at ang asawa nito ay nagkaroon ng madugong pagkamatay-putol ang leeg at puno ng lupa ang bibig. Sa tabi ng bangkay ng babae ay may papel na kinasusulatan ng Tales na isinulat ng daliring isinawsaw sa dugo.

Mga Tanong at Sagot

1. Bakit kina Kabesang Tales nanuluyan si Simoun?

Tugon

Ayon sa sabi ng mag-aalahas, iyon ang pinakamaliki at pinakamasinop na bahay sa pook na iyon. Ang tunay na layunin ni Simoun ay makilala nang lubusan si Kabesang Tales na sa balita niya sa mga nangyari rito ay maaaring isang taong akma para sa balak niyang maghiganting paghihimagsik.

2. Bakit natuwa si Simoun sa ginawa ni Kabesang Tales ng pagkuha ng kanyang baril?

Tugon 

Nakilala niya ang pagkalalaki ang pagkamaginoo ni Kabesang Tales. Ipinalit pa sa rebolber ang agnos na ayaw sanang pakialaman dahil walang pahintulot ang anak. Nakita niya sa kabesa ang isang taong hinog ang dibdib sa init ng kanyang paghihiganti. Ito ang kailangan niyang makasama sa kanyang paghihimagsik.

3. Bakit natuwa pa si Simoun ng dakpin ng mga guwardiya sibil si Tandang Selo?

Tugon 

Lalong maglalatang ang galit ni Kabesang Tales at lalong mapapadali ang paghimok niya rito upang maghimagsik.

Kabanata XI
Los Baños

Buod

Ang Kap. Heneral ay nangaso sa Bosoboso. May kasama siyang banda ng musiko sapagka’t siya ang pangalawang patrono real ng Pilipinas o kinatawan ng patrono real ng hari. Walang nabaril na ibon o usa ang Kapitan heneral. Ibig na sanang pagbihisang- usa ang isang tao. Mabuti na raw iyon sapagka’t maawain siya sa hayop. Ang totoo’y natutuwa siya’t di makikita na di siya makatatama ng ibon o usang babarilin. Nagbalik sila sa Los Banos.

Noo’y ika-31 ng Disyembre.

Naglalaro ng tresilyo sa bahay-aliwan sa Los-Banos ang Kapitan Heneral, si Padre Sibyla at Padre Irene. Galit na galit naman si Padre Camorra. Hindi alam ng huli na kaya nagpapatalo ang dalawang kura ay sapagka’t nais nilang makalamang sa isa sa pakikipag-usap sa Kapitan ukol sa paaralan ng kastilang balak ng kabataan.

Samantalang nagsusugal ay pinag-aralan at pinasyahan ng Kapitan ang mga papeles ng pamamahala na inisa-isa ng kalihim pagpapalit ng tungkulin, pagbibigay ng biyaya, pagpapatapon at iba pa. Saka na ang ukol sa paaralan ng kastila. Naroon si Don Custodio at isang prayleng Dominiko- si Padre Fernandez.

Nagalit si Padre Camorra dahil sa isang sinadyang maling sugal ni Padre Irene na ikinapanalo ng Kapitan. Punyales, si Kristo na ang makipagsugal sa inyo! ani Padre Camorra at tumayo na.

Si Simoun ang pumalit kay Padre Camorra. Siya ay biniro ni Padre Irene na kanyang itaya ang kanyang mga brilyante. Pumayag si Simoun. Wala raw namang maitataya ang kura. Ani Simoun: Ako’y babayaran ninyo ng pangako. Kayo Padre Sibyla, sa bawat limang bilang ay mangangako na kayo’y di kikilala sa karalitaan, kababaang loob, at pagsunod sa kabutihang asal (magmamalabis siya sa maluhong pamumuhay at paggugol, di siya magpapakita ng awa sa mga dukha, at di siya susunod sa mga tuntunin ng kabutihang asal.); at kayo, Padre Irene, sasabihin lamang ninyo na lilimutin ninyo ang kalinisang ugali, ang awa sa kapuwa, at iba pa. Sa maliit na hinihingi ko’y kapalit ang aking mga brilyante. At ito (tinapik pa ang Kapitan Heneral), sa limang bilang ay isang vale na limang araw sa piitan (karapatan ni Simoun na mapabilanggo sa isang tao nang limang araw); isang pag-papapiit sa limang buwan; isang utos na pagpapatapon na walang nakasulat na pangalan; karapatan sa isang madaliang utos na pagpapabaril sa iasng taong pipiliin ko at iba pa.

Sa kakaibang kundisyong ito ng pagsusugal ay napalapit sina Don Custodio , Padre Fernandez at ang Mataas na Kawani. Ang huli ay nagtanong kung ano ang mapapala ni Simoun sa kanyang mga hiling.

Para raw luminis ang bayan at maalis na lahat ang masasamang damo, tugon ni Simoun.

Ipinalalagay ng nangakarinig na ang gayong kaisipan ni Simoun ay gawa ng pagkaharang sa kanya ng mga tulisan. Sinabi naman ni Simoun na nang pigilan siya ng mga tulisan ay walang kinuha sa kanya kundi ang 2 niyang rebolber at mga bala. Kinumusta pa raw ang heneral. Marami raw baril ang tulisan . Anang heneral ay ipagbabawal niya ang mga sandata. Ani Simoun: Huwag. Ang mga tulisan ay marangal; sila ang tanging marangal na kumikita ng ikabubuhay nila. Halimbawa, pawawalan ba ninyo ako nang di man lang kukunin ang aking mga alahas ? Ang kasamaan ay wala sa mga tulisan sa bundok nasa mga tulisan sa bayan at siyudad.

Gaya ninyo, ani Padre Sibylang nakatawa.

Gaya natin , ganti ni Simoun, Tayo nga lamang ay mga di-hayagang tulisan.

Ika-11:30 na. Itinigil ng heneral ang laro at parunggitan. May kalahating oras pa’t manananghali na marami pa tayong suliraning pag-uusapan.

Ipinasiya ng heneral na ipagbawal ang armas de salon (sandatang pampalamuti sa salas). Tumutol ang Mataas na Kawani. Wala raw bansa sa daigdig na nagbabawal niyon. Manok lang daw ang kayang patayin niyon. Laging sinasalungat ang heneral ng Mataas na Kawani. Walang nangyari sa pagtutol ng huli. Nagbigay ng payo si Simoun. Huwag ipagbawal ang armas de salon liban sa iisang sukat na kasalukuyang nabibili noon. Ito ang nasunod.

Sunod na pinag-usapan ang suliranin ng paaralan sa Tiyani. Ang guro ay humihingi ng bahay-paaralan. Ani Padre Sibyla si Socrates ay nagturo sa plasa, si Plato sa ilalim ng mga kahoy at si Hesus ay sa mga bundok. Pilibustero raw ang guro sa Tiyani, ayon kay Padre Camorra. Ipinasiya ng heneral na pigilin sa pagtuturo ang guro. Tumutol ang Mataas na Kawani.

Anang heneral ay di dapat humusay pa sa Espanya ang mga paaralan pa sa Pilipinas. Sa susunod , dugtong pa nito, lahat ng daraing ay pipigilin sa tungkulin.

Ipinayo ni Don Custodio na gawing paaralan ang sabungan. Kung linggo at pista lang lang daw ginagamit at pinakamaayos na gusali, ang mga sabungan. Kung simpleng araw daw ay nakatiwangwang lamang.

Pinutol ng heneral ang pagtatalo. Pag-aaralan daw niya. Isinunod ang balak na paaralan ng kabataan ukol sa Wikang Kastila. Anim na buwan nang naghihintay ito ng pagpapasiya.

Tinanaong ng heneral ang kawani Sang-ayon ang tinanong. Pinuri ang balak ng kabataan. Tumutol sa balak si Padre Sibyla. Wala raw sa panahon at isang paghamak sa mga Dominiko. Ayon kay Simoun ay kahina-hinala ang balak. Iniisip ni Padre Irene na tagapagsalita ng kabataan para sa paaralan na wala nang pag-asa ang paaralan. Tutol si Simoun. Ipinasyang huwag nang magsalita.

Inisa-isa ang kabataang may panukala ng paaralan. Si Isagani raw ay mahilig sa pagbabago at pagsulong kaya’t mapanganib. Ipinagtanggol ni Padre Fernandez si Isagani. Ani Padre Camorra, ang binata ay bastos. Sa bapor da ay itinulak niya at siya’y itinulak din nito.

Ang mayamang si Macaraig na paborito ni Padre Irene ay may taga- tangkilik na isang kondesa kaya’t di ito pinag-usapan. Isinunod si Basilio. Tubig na tulog daw ito, ayon kay Padre Irene. Tahimik daw at may pinagmulang si Padre Salvi ang higit na nakaaalam(ngunit wala si Padre Salvi.) Tila raw nakabangga na ito ng mga sibil at may ama itong napatay sa isang paghihimagsik. Itala raw ang pangalan ni Basilio, utos ng heneral. Tumutol ang kawani. Ipinagtanggol ang kabataan. Tumango sina Padre Fernandez, Padre Irene at Don Custodio.

Tumutol si Padre Camorra: Ang mga Indiyo ay di dapat matuto ng kastila at pagnatuto ay makikipagtalo sa mga kastila.

Ani Padre Sibyla: Hindi pinag-uusapan dito ang pagtuturo ng kastila: dito ay may isang lihim ng paghahamok ng mga estudyante at ng Unibersidad ng Sto. Tomas. Pag nasunod ang kanila, natalo kami (mga Dominiko), yayabang ang mga iyan at tuloy-tuloy na. Pagkatapos naming bumagsak, isusunod nila ang Pamahalaan.

Nagsalita si Padre Fernandez na isa ring Dominiko: Pulitikahin natin sila para di nila masabing tinalo nila tayo. Sa halip na labanan natin sila ay sang-ayunan natin at purihin sa balak nila. Bakit makikipagkagalit tayo sa Bayan; kakaunti tayo, marami sila. Kailangan natin sila, tayo’y di nila kailangan. Ngayo’y mahina ang bayan. Ngunit bukas-makalawa’y lalakas iyan. Matuwid ang mga kahilingan ng mga estudyante. Kikilala pa sila sa atin ng utang na loob. Gumaya tayo sa mga Hesuwita.

Lalong nagalit si Padre Sibyla nang mabanggit ang hesuwita. Nagsabad- sabaran ang magkakaharap at di naunawaan ang lahat. Pumasok ang kura sa Los Banos upang sabihing nakahanda na ang pananghalian.

Siyang pagbulong ng mga Kawani sa Heneral. Ang anak noong si Kab. Tales ay humihiling na palayain ang kanyang nuno na napipiit kapalit ng ama.

Kumatig si Padre Camorra sa pagpapalaya. Sumang-ayon ang Heneral.

Mga Tulong sa Pag-aaral

1. Ang pagtuturo noon ay nasa kamay halos ng mga Dominiko.
Magkagalit ang mga Dominiko at ang Hesuwita. (Basahin ang pagkapatapon sa mga Hesuwita sa Pilipinas sa mga aklat ng ating kasaysayan.)

2. Si Padre Sibyla ay isang rektor ng Unibersidad ng Santo Tomas at tutol ang mga Dominiko sa balak na paaralan. Si Padre Irene naman ay siyang inupahan ng kabataan na maging tagapagtanggol o tagatangkilik ng balak.

Mga Tanong at Sagot

1. Bakit di nakabaril ng usa o ibon sa gubat ang Kapitan Heneral?

Tugon

May kasama siyang banda ng musiko na tumutugtog saan man siya paroon.

2. Anong sakit ng lipunan ang inilarawan ni Rizal sa pamamaril ng Heneral?

Tugon

Ang paglalangis sa may kapangyarihan. Halos nangyari ang balak na pagbihising usa ang isang tao para may maipabaril lamang sa Kapitan Heneral. Ang pag-gamit ng banda ay isa pa.

3. Bakit nagagalit si Padre Camorra sa pakikipagsugal sa dalawang kura at sa heneral?

Tugon

Di niya batid na sadyang nagpapatalo ang dalawang pari upang ilagay sa pagiging masaya ang heneral sa pananalo nito para maging madali ang kanilang pagkuha sa kalooban ng heneral ukol sa usapin ng paaralan ng kabataan.

4. Bakit sa lawa ipinamangka ni Simoun ang kanyang mga alahas na dala ng utusan samantalang siya, dala pa ang higit na mga mamahaling alahas ay sa pampang nagdaan?

Tugon

Balak niyang talaga na makipagkita sa mga tulisan. Buo ang kanyang pananalig na kung ang mga tulisan ay tulad ni kabesang Tales ay mga maginoo ito at kaya niyang kausapin ng marangalan. Di niya ikinatakot ang kanyang mga alahas sapagkat alin sa dalawa : dinala niya iyon upang ang ilan ay ipagkaloob sa puno ng pangkat o upang gawing katunayan ng kanyang pagtitiwala sa mga tulisan tulad ng mag-isa niyang pagkakalakbay.

5. Anong institusyon sa Pilipinas ang napag-ukulan ni Rizal na patawang pamumuna nguni’t dapat na matalim na pag-iwa sa damdamin ng mga Pilipino? Totoo pa ba ito ngayon?

Tugon

Ang sabong… Samantalang ang mga sabungan noon ay magagara’t malalaki, ang paaralan ay nasa kahabag-habag na kalagayan. Kahit sa kasalukuyan, maraming Pilipino ang nakapagsasabong at nakapupusta ng malaki nguni’t ang pagpapaaral at pagdadamit sa mga anak, ang pagkumpuni sa sariling tahanan, at iba pa ay di mahirap. Kung minsa’y maganda pa ang kulungan ng sasabungin kaysa bahay nila. Sa mga sabungero, una muna ang bisyo bago ang sandang pangangailangan.

6. Alin ang tinatawag ni Rizal na mga pagnanasang balintuna sa kabanatang ito? Bakit?

Tugon

Nais ng kabataang Pilipino na ipaturo sa kanila ang wikang Kastila sukdang ikaalipin ng kanilang lipi samantalang ang sadya namang mang-aaliping kastila ay napapakatangi- tangi sa hiling na ito.

7. Bakit sang-ayon si Padre Fernandez, isa ring Dominiko, sa paaralang binabalak ng kabataan?

Tugon

Si Padre Fernandez ay naiiba sapagka’t siya’y matalino. Sa kanyang pagtuturo sa unibersidad ay nakatagpo siya ng mga estudyanteng may katalinuhan at wala sa kanya ang asal panginoon ng maraming prayle. Dilat ang mga mata niya sa katotohanan.

Kabanata XII
Placido Penitente

Buod

Malungkot na patungo sa Unibersidad ng Santo Tomas si Placido Penitente sapagkat ibig na niyang tumigil ng pag-aaral tulad ng nasabi na niya sa 2 sulat niya sa ina. Pinakiusapan nga lamang siya ng ina na kahit batsilyer sa artes ay matapos niya.Nasa ikaapat na taon na siya.

Ang paghahangad ni Placido na magtigil ng pag-aaral ay palaisipan sa kanyang mga kababayang taga Tanawan. Siya ang pinakamatalino sa bantog na paaralan ni Padre Valerio roon. Hindi naman siya sugarol, walang kasintahang magyayayang pakasal, at laban sa mga aral ng Tandang Basyong Makunat, masalapi.

Nagulat pa si Placido nang makapasok na siya sa Magallanes (dating Sto.Domingo) at siya’y tapikin ni Juanito Palaez sa balikat. Si Palaez ay mapaghangin at paborito ng mga guro. Anak ng mestisong Kastila. Mayaman. May pagkakuba.

Kinumusta ni Juanito ang bakasyon ni Placido. Pagkatapos ay ibinalita ang pagbabakasyon niya sa Tiyani, kasama si Padre Camorra. Nangharana raw sila ng magagandang babae. Wala raw bahay na hindi nila napanhik. At may ibinulong kay Placido na ikinamangha tila ng huli. Tanga raw si Basilio sa pagkakaroon ng katipang tulad ni Huli. Pero susuko rin daw si Huli kay Padre Camorra.

Nagtanong ng leksyon si Palaez kay Penitente sapagkat noonh lamang papasok ang kuba. Pulos walang pasok noong nakaraang mga araw. May kaarawan ng guro, may pista ng santo, mayroong umambon.

Ang leksyon daw nila ay ukol sa mga salamin. Niyaya ni Pelaez si Penitente na maglakwatsa. Tumutol ang huli. Nagpatuloy sila ng paglakad. May naalala si Pelaez. Nang hingi ng abuloy para sa monumento ng isang paring Dominiko. Nagbigay si Placido para magtigil na si Pelaez at alam din ng Batangueno na nakatutulong ang gayong mga abuloy sa pagpasa ng estudyante. Malapit na sila sa Unibersidad. Naroon si isagani na nakikipagtalo ukol sa aralin. Ang ibang estudyante ay naniningin ng magagandang dalagang nagsisimba. Namutla at namula sa lugod si Isagani nang magkulusan ang mga mag-aaral at magtinginan sa isang bagong dating na victoria o karuwahe. Nakita niya si Paulita Gomez, ang kanyang katipan, na kasama si Donya Victorina. Si Donya Victorina ay ngumiti kay Juanito Pelaez. Si Tadeo na kaya lamang pumasok sa paaralan ay upang alamin kung may pasok at kung mayroon ay aalis at magdadahilang maysakit ngunit nakapapasa, sa anong himala ay napasunod kay Paulita sa simbahan.

Nagpasukan na sa paaralan ang mga estudyante. Nguni’t may tumawag kay Placido. Pinalagda si placido sa kasulatang tutol sa balak na paaralan ni Macaraig. Hindi lumagda si Placido. Walang panahong basahin ang kasulatan. Nalaala niya ang isang amain na nawalan ng mga pag-aari nang lumagda sa isang kasulatang di binasa. Nguni’t sa matagal na pagpipilitan ay nahuli sa klase si Placido Petinente. Pumasok parin si Placido. Hindi na patiyad. Pinatunog pa ang takong ng sapatos. Inakala niyang ang pagkakahuli niya ay pagkakataon na upang siya’y mapuna at makilala ng kanyang guro. Sila’y may mahigit na 150 sa klase. At siya nga’y napuna ng guro na lihim na nagbanta. Bastos magbabayad ka sa akin.

Mga Tulong sa Pag-aaral

1. Ang Unibersidad ng Santo. Tomas noong panahon ng kastila ay nasa Intramuros (Walled City) sa malapit sa kolehiyo ng San Juan de Letran sa ngayon. Panahon na ng mga Amerikano nang ang UST ay ilipat na sa Espanya, Maynila. Lahat halos ng paaralan noon ay nasa Intramuros-Letran at Ateneo.

2. Mga pagkakakilanlan sa mga estudyante na nag-aaral sa tatlong kolehiyo noon.

Ateneo

Nangakadamit Europeo (Amerikana), mabilis lumakad, maraming dalang aklat at kuwaderno.

Letran

Nakadamit-Pilipino, lalong marami, di gaanong paladala ng aklat.

UST

Malinis manamit maayos, makisig at sa halip na aklat ay baston ang dala.

Paaralang Normal

Mga tahimik , makukulay ang damit, sinusundan ng mga utusan, walang biruan at mapagdala ng aklat.

3. Katatapos noon ng bakasyong para-Pasko kaya bagong balik sa paaralan ang mga estudyante.

Mga Tanong at Sagot

1. Bakit nais nang tumigil ni Placido sa pag-aaral?

Tugon

Apat na taon nang siya’y nag-aaral ngunit di pa siya nakikilala at napapansin ng mga guro gayong lagi siyang nag-aaral ng leksyon. Hindi sana gaanong masakit sa kanya kung siya’y walang hangad kundiang pumasa. Ngunit siya’y matalino, ibig niyang matuto. Siya ang idolo sa katalinuhan sa kanilang bayan.

2. Ano ang kahulugan ng pangalang Placido Penitente?

Tugon

Placido: Kalmante o mapayapa at penitente ay nagdurusa.

3. Bakit ayon kay Pelaez ay walang hindi nangyayari sa mga kagustuhan ni Padre Camorra sa mga babae sa Tiyani (liban kay Huli?)

Tugon

Tinatakot ng prayle na ang mga kapatid o magulang ng babae ay maipabibilanggo o maipapatapon kung di masusunod ang kanyang kagustuhan. At iyon ay alam ng mga dalaga na totoong nangyayari.

4. Bakit daw na si Huli man ay babagsak din?

Tugon

Kilala ni Pelaez ang kahayupan ni Padre Camorra at naniniwala siyang di magtatagal at makakagawa ng paraan ang kura na makuha ang ibig kay Huli.

5. Anu-ano ang puna ni Rizal sa pag-aaral ng karaniwang kabataan noon?

Tugon

Karamihan noo’y walang natutuhan dahil:

a. Liban sa Ateneo, ang mga estudyante ay di nagdadala ng aklat, lalo na sa UST.

b. Napakalalaki ng bilang ng mga estudyante.

k. May mahabang pagpapalagay ang mga guro sa estudyante.

d. Madalas ang araw na walang pasok.

Kabanata XIII
Ang Klase sa Pisika

Buod

Isang silid na taluhaba ang silid ng klase. Ang upuan ay parang hagdan na tatlong baytang at nakapaligid sa 3 panig ng silid. Sa isang dulo ng silid ay ang hapag ng guro na sa likod ay ang pisarang may nakasulat na Viva! na naroon mula pa nang unang araw ng pasukan sa taong iyon. Walang palamuti ano man ang mga dingding na bato. May mga kasangkapan sa pisika nguni’t ito ay nakasusi sa isang aparador na may salamin at kung gamitin man ay ipinakikita lamang sa klase mula sa malayo tulad ng Santisimo ng Pare. Iyon ay ipinakikita lamang sa mga dayuhan upang di masabi ng mga ito na nahuhuli ang UST sa ibang bansa sa kahusayan sa pagtuturo at kaya lamang di natututo ang mga Pilipino ay dahil katutubo ang walang-katalinuhan.

Ang guro, si Padre Millon ay isang batang Dominikong napabantog sa pilosopiya sa Kolehiyo ng San Juan de Letran. Iyon ang una niyang pagtuturo ng pisika.

Unang tinanong sa klase ang isang antukin. Parang ponograpo itong tumugon ng isang isinaulong leksiyon na ukol sa salamin, bahagi nito, kauriang bubog o kalaing. Pinatigil ng guro ang estudyante. Pinilosopiya ang musika. Kung kalaing, metal at bubog daw ang salamin ano raw uri ang kahoy na may makintab na barnis o marmol na binuling maigi? Di tinugon ng estudyante ang tanong. Ipinagpatuloy ang isinaulong aralin na parang plakang natigil at muling pinaandar sa ponograpo. Pinatigil uli ang estudyante, muling tinanong sa sampay bakod na kastila.

Binulungan ito ni Pelaez. Mali ang idinikta. Sinunod nito. Natawa pati ang guro matapos insultuhin ang estudyante. Binigyan uli ng tanong sa bahagi ng salamin. Kung ano ang ibabaw ay siyang salamin, bale wala ang harapan; ang mahalaga’y ang nasa likuran. Di ba? Nalito ang estudyante. Lahat ay sumesenyas na sumang-ayon na siya at nadiktahan siya ni Pelaez nang Concedo, Padre, (sang-ayon Padre). Iyon ang itinugon ng estudyante.

Tanong uli ng prayle: Kung katkatin ang asoge sa likod at palitan ng bibingka, ano mayroon?

Bulong ni Pelaez: Bibingka!

Tinawag ng propesor si Pelaez. Tumayo ang tinawag. Napabubulong ito kay Placido. Sa katatapak sa paa ni Penitente ay napasigaw sa sakit ang tagadikta. Siya ang tinatanong ng propesor matapos na siya’y murahin at taguring espiritu sastre. Sinasabi ng aklat na ang mga salaming kalaing ay binubuo ng tanso o ng iba pang kalaing, totoo o hindi? tanong ng guro.

Ganyan ang sabi ng aklat, Padre, tugon ni Placido.

Ang salaming bubog ay binubuo ng isang patag na bubog na ang magkabilang mukha ay pinakintab ng maigi at ang isang mukha ay kinulapuan ng tinggang puti, tama?

Iyan ang sabi ng aklat,Padre?

Ang tinggang puti ba ay kalaing?

Sabi po ng aklat.

Ergo (samakatuwid), ang salaming bubog na may merkuryo, isang kalaing, ay salaming bubog-kalaing. Paano mo maipaliliwanag, espiritu sastre?

Nalito si Placido. Inulan ng mura si Placido. Nagtawanan ang klase. Itinanong ang pangalan ni Placido. Napalatak na patuya ang kura. Anito: Placido Penitente lalong angkop ang Placido suplado. Lalapatan kita ng penitencia. Hinanap sa mahabang talaan ang pangalan ni Placido. A labinlimang pagliban! I*sa lang at aalisin ka na sa klase.

Napatindig si Placido. Aapat daw ang liban niya at ikalima ang pagkahuli niya. Himig intsik na nanuya ang guro. Bihira akong bumasa ng talaan kaya’t sa bawat isang huli ay limang liban ang inilalagay ko. Makaikatlo kitang nahuli kaya’t labinlima. Kung ang limang liban mong inamin ang susundin ko, may utang ka pang 10. At bibigyan kita ng masamang marka sa masamang sagot mo ngayon.

Ngunit Padre, hindi dapat na ang isang wala sa klase ay makabigkas ng mali sa aralin, tanong ni Placido.

“A… pilosopong metapisiko! Hindi mo ba alam na maaaring ang lumiban sa klaseng iyon, saan man siya naroon, ay di rin nakaalam ng aralin? Pilisopastro!”
panunuya pa ng Pari.

Nagpanting ang tainga ni Placido. Tama na, Padre. Maaring markahan ninyo ako nang ano mang marka nguni’t wala kayong karapatang umaglahi sa akin! Inyo na ang inyong klase! At ang estudyante ay umalis nang walang paalam .

Natigagal ang klase. Di nila akalaing magawa iyon ni Placido. Nagsermon ang pari. Nagsuwail daw si Placido sa mga tumataguyod sa paaralan ng kastila. Nagmura si Padre Millon hanggang sa tumugtog ang kampanilya. Naglabasan ang may 234 na estudyanteng di pumapasok nang walang nalaman at lumabas nang sa gayon ding kalagayan.

Mga Tulong sa Pag-aaral

1. Si Padre Millon:

a. Tapos sa pilosopiya at teolohiya at mahilig sa metapisika (mga teorya) ay nagturo ng kimika at pisika, magkaslungat na mga asignatura.

b. Pasulyap sulyap lamang sa mga aklat ng kimika at pisika (A little knowledge is a dangerous thing) na karamihan ay di pinanaligan at kalabas labas ay magtuturo ng mga asignaturang ito sa paraan ng pilosopiya. (Siya’y di pa makapaniwala na ang mundo ay bilog at ito’y umiinog at umiikot sa araw.)

k. May paglahi sa itinituro at tinuturuan mga makamandag na kasarian ng isang guro.

d. Siya lamang ang nagtatanong at ayaw magtanong. (Ikinatutuwa ang katangahan ng tinuturuan at kinaiinis ang tamang pagtugon sa kanyang mga tanong.)

e. Ipinasasaulo nang walang labis at walang kulang ang mga aralin di ipinaliliwanag.

g. Nagtutungayaw at nagmumura ng istudyante.

Mga Tanong at Sagot

1. Bakit sampay-bakod na kastila ang ginagamit ni Padre Millon sa klase?

Tugon

Wala siyang paggalang sa mga tinituruan na ipinalalagay niyang mga tanga lamang.

2. Bakit sa pagtingin na lamang sa silid aralan sa pisika ay masasabi kaagad na sadyang walang matutunguhan ang mga estudyante?

Tugon

Ang pisika ay di maituturo ng sa bibig lamang. Kailangan ang mga larawan, kasangkapan at mga halimbawa’t paliwanag sa pisara. Ni isang larawan ay wala sa buong silid. Nakasusi ang mga kasangkapan. At mga pisara ay di ginagamit. Doo’y may sumulat ng VIVA! (Mabuhay!) noong unang araw ng pasukan. Enero na’y di pa nabubura. Dapat, iyon ay magiging klase ng pilosopiya, di ng pisika.

3. Ano ang masasabi natin sa mga tukoy ni Rizal ukol sa pagtuturo?

Tugon

Ang mga principle ni Rizal sa pagtuturo ay hindi naluluma hanggang ngayon. a.) di dapat maging malaki ang bilang ng mag-aaral sa isang klase b.) di dapat inaaglahi at kinagaagalitan o hinihiya ang istudyante k.) ang guro ay di lang dapat matalino at saklaw ang kanyang itinituro kundi dapat ay may malasakit o lugod siya sa pagtuturo at sa isignaturang itinituro d.) ang maraming bakasyon ay nakakatabang ng pag-aaral at nakahihikayat sa pagliban.

4. Ano ang masasabi natin kay Placido, sa ugali niyang inilalarawan sa kabanata?

Tugon

Siya’y naglalarawan sa karaniwang Pillipino. Mapagtimpi tayo’t mapayapa. Hangga’t maaari’y nagtitiis tayo lamang sa gulo. Nguni’t kung tayo’y napapasubo na, marunong din tayong sumbog na parang bulkan.

Itutuloy…