El Filibusterismo

Kabanata XXIV
Mga Pangarap

Buod

Mag-uusap sina Isagani at Paulita sa Luneta. Handang-handa si Isagani
sa pagbabagsak ng kanyang galit sa gabi. Pany raw ang tingin ni Isagani sa mga Pransesa. Kaya
raw siya sumama kay Juanito ay para nga magkita sila ni Isagani. Si Donya Victorina raw ang
may ibig kay Pelaez. Nagkatawanan ang dalawa.

Nagkapalitan sila ng mga pagtanaw sa kinabukasan. Nais ni Isagani na sa nayon manirahan. Pinakaiibig raw niya ang kanyang bayang iyon. Bago raw niyanakita si
Paulita, ang bayang iyon ang tangi niyang kaligayahan at magandang-maganda para sa kanya. Nguni’t nang makilala niya si Paulita ay naging parang may kulang sa kanya ang bayang iyon at
Natiyak niyang ang kulang ay si Paulita

Nguni’t ayaw ni Paulita na tumungo roon. Ayaw niyang magdaan sa mga bundok na malimatik. Ang ibig niyang paglalakbay ya sa pamamagitan ng tren.

Pinaghambing ni Isaganisa isip ang pansin ng mga taong pamahalaan sa
nagkaramdam na si Simoun at ang mga sugatang kawal na galling sa digma. Sa huli’y ni walang pumapansin. Nguni’t kay Simoun ay nabahala ang marami. Iba na raw ang mayaman, ayon sa
binata. Ang bayang nasa isip niya ay di lamang Pilipinas kundi pati ang Espanya.

Dumating sina Paulita. Nginitian nito si Isagani. Nangiti na rin ang binata
at napawi ang lahat ng kanyang mga hinanakit sa dalaga. Nalubos na sana ang kanyang tuwa nang
itanong sa kanya ni Donya Victorina kung nakit ang binata ang pinaghahanap na asawang Kastila.
Ipinagkaila ng binata na alam niya dahil sa kanilang bayan sa nayon (kay Padre Florentino) nag-
tatago si De Espadana. Sinabi ng donya na nais niyang mag-asawa uli. Nagtanong pa ang donya kumg ano’t pakasal siya kay Pelaez. Ang pilyong Isagani naman ay namuri pa sa kinaiinisan niyang
kamagaral. Pinagbigyan ng donya ang pamangkin at binatang kausap. Kung matutuloy ng naman si Paulita kay Isagani, magiging sarili niya si Juanito.

Kabanata XXV
Tawanan at Iyakan

Buod

Idinaos ang piging ng mga estudyante sa Panciteris Macanista de Buen Gusto. Labing–apat sila, kasama si Sandoval. Pinakyaw nilang lahat ang mesa. Ani ng isang paskin: “Luwalhati kay Don Custodio sa kaitaasan at Pansit sa lupa sa mga Binatang may Magagandang Kalooban!”

Matatlim ang mga salita ng mga estudyante. Naghalakhakan sila’y pilit at may tunog ng paghihinakit.

Dumating si Isagani. Si Pelaez na lang ang kulang. Ani Tadeo sana’y si Basilio na ang inanyayahan nila sa halip ng impormal na si Juanito. At malala-sing pa raw sana nila si Basilio upang mapagtapat ng mga lihim ukol daw sa nawawalang bata at sa isang mongha.

Nagkainan. Inihandog nila ang pansit-langlang klay Don Custodio. Ang sopas ay tinaguriang sopas ng panukala;lumpiang intsik ay inalay kay Padre Irene ; ang torta’y inukol sa prayle (torta de Frailes). Tumutol si Isagani. May isa raw prayleng di dapat isama sa panunumpa. Tumutol din si Tadeo. Kahabag-habag daw na inihambing ang alimasag sa mga prayle; ang pansit gisado ay inukol sa pamahalaan at sa bayan. Ayon kay Makaraig, ang pansit ay katutubong lutuing Pilipino. May ibig mag-alay ng pansitkay Quiroga na isa raw sa apat na kapangyarihan sa Pilipinas. Anang isa naman ay sa Eminencia Negra (Simoun) raw dapat ialay ang pansit.

Pinapagtalumpati si Tadeo. Di ito nakahanda. Nagsimula ito kahit papaano. Sinigawan siya ng mga kasamahan . Gaya daw ang binigkas ni Tadeo. Naghingian ng pagkain. Nahilingan ng talumpati si Pecson. Inatake ni Pecson ang mga prayle. Mula raw sa kamusmusan hanggang sa libingan ay prayle ang kasama natin.

May nakakita sa utusan ni Padre Sibyla, ang biserektor sa Unibersidad. Sumakay ito sa karuwahe ni Simoun. Nagtiktik ito sa mga estudyante. Ani Makaraig: “Ang busabos ng bise-rektor na pinglilingkuran ng panginoon ng Heneral!”

Mga Tanong at Sagot

1. Bakit nagdaos ng piging ang mga estudyante?

Sagot

Patuyang pagsang-ayon sa mungkahi ni Don Custodio, ayon kay Padre Irene, upang ipagdiwang ang pagkakasang-ayon ng Don sa mungkahing paaralan. Maging ang paskin ukol sa kaluwalhatian para kay Don Custodio ay tigib ng panunuya at pagdaramdam.

2. Ilang lahat ang nagdiwang na mga estudyante? Sinu-sinoang mga kilala ninyo?

Sagot

Una’y labintatlo ang mga Pilipino at isa ang Kastila, si Sandoval. Dumating si Isagani, kaya naging labinlima. Labing-anim sana sila nguni’t di dumating si Basilio. Naroon sina Makaraig, Tadeo, at Pecson.

3. Ano ang ibig sabihinni Pecson sa bahagi ng kanyang talumpati na: “…ang langit ay ipinipinid sa mayayaman, kaya’t sila (ang mga prayle), mga bagong sasagip at mga tunay na alaga ng Manunubos ay gumagawa ng iba’t ibang uri ng mga lalang upang gampanan ang inyong mga kasalanan…” Paano pinagagaan ang kasalanan ng mayayaman?

Sagot

Karaniwang itinuturo ng mga pare noon na ang mayayaman ay di nakapapasok sa pinto ng langit at mga prayle lamang ang makapagbubukas niyon para sa mayaman. Paano? Pamisa, panobena, abuloy, at higit sa lahat, pagpapamana ng mga ari-arian ng isang prayle o sa simbahan.

Kabanata XXVI
Mga Paskil

Buod

Maagang nagbangon si Basilio upang magtungo sa ospital. Nais niyang pakialaman ang kanyang linsensiyatura sa Unibersidad pagkatapos madalaw ang may sakit. Uutang siya kay Makaraig ng perang gugugulin. Ang naimpok niya ay naipanubos kay Huli.

Sa tapat ng San Juan de Letran ay may nagtanong sa kanya ukol sa pagbabangon. Iniugnay niya sa isip ang pagkakatungo sa kanya ni Simoun. Marami raw nadadamay na mga estudyante ayon sa nagbabalita. Nagpatuloy sa paglalakad si Basilio.

Nakasalubong niya ang isang katedratiko na malapit ang loob sa kanya. Itinanong kung nasa piging ng mga estudyante si Basilio. Mabuti raw at wala. Nang malamang kasapi si Basilio sa kapisanan ay pinayuhan nitop ang binata na umuwi na’t sirain niya ang lahat ng kasukatang magdadawit sa kanya. Nabanggit ni Basilio si Simoun. Wala raw kinalaman dahil nahihiga ang mag-aalahas dahil sa sinugatan ng kung sino. Dito’y may ibang mga kamay na nakapangingilabot, anang katedratiko.

Itinanong ni Basilio kung may kasangkot na tulisan. Wala raw. Panay raw mga estudyante. Nagkatagpo raw sa unibersidad ng mga paskil o mga paskin (posters) na mapanghimagsik.

May nasalubong silang isa pang katedratiko na kakilala ni Basilio,. Ang una: Nangangamoy na si Kapitan Tiyago. Nilalapitan na siya ng mga uwak at buwitre.

Nagpatuloy si Basilio sa paglalakad. Mga karagdagang balita. Marami raw estudyante ang papupugutan ng ulo, ipabibilanggo, ibabagsak sa pag-aaral.

Nagunita ni Basilio ang sinabi ni Simoun. Sa oras na kayo’y itiwalag nila di kayo makatatapos sa inyong karera. Pinaghinalaan ni Basilio na may kinalaman si Simoun sa mga paskil.

Nakita niya si Sandoval. Tinawag ito. Naging bingi ito sa tawag niya.

Tuwang-tuwa si Tadeo. Wala na raw klase. Ibibilanggo raw lahat ang kasama sa kapisanan ng mga estudyante. Tuwang-tuwa pa rin ito dahil wal ng klase.

Si Pelaez naman ay parang baliw na paulit-ulit ang pagsasabi: Wala-wala akong kinalaman, wala akong kinalaman ; ikaw ang saksi ko Basili, na sinabi kong isang quijoterias ang lahat

Mabilis tumalilis si Juanito nang makita ang isang tanod na palapit sa kanila.

Natanaw ni Basilio si Isagani. Namumutla ang huli ngunit pinagpupuyusan ng kalooban.

Nakapagtataka, mga ginoo, na walang kakuwenta-kuwentang mga bagay ay nagkakagulo tayo na parang mga mayang paking na itinaboy ng tau-tauhang panakot. Ito lang ba ang pangyayari na ang kabataan ay mabibilanggo dahil sa kalayaan? Nasaan ang mga binitay, ang mga pinagbabaril? Bakit tayo magsisiurong ngayon?

May nagtanong: Sino ba ang ungas na sumulat naiyon?

Walang halaga ang kung sino ang sumulat. Tungkulin nilang ( mga kura ) alamin niyon. Nguni’t di tayo dapat patangay sa kaguluhang ito kung saan naroon ang panganib ay doon tayo dumako dahil naroon ang karangalan. Kung nasasabi sa paskil ay kaayon ng ating kalooban, sino man ang sumulat noon ay dapat nating pasalamatan. Kung hindi naman ay sapat nang tutulan natin at tanggihan, ani Isagani.

Tumalikod si Basilio. Di siya sang-ayon sa sinabi ng kaibigan. Tutungo siya kay Makaraig upang mangutang. Di niya alintana ang mahiwagang senyas ng mga kalapit bahay ni Makaraig.

Napadubo siya at napaharap sa dalawang tanod na beterana. Anya: Naparito ako upang makipagkita ako sa kaibigan kong si Makaraig. Nagkatinginan ang dalawang tanod.

Dumating si Makaraig at ang kabo at dalawang kawal. Nagtaka si Makaraig kay Basilio. Anito: Marangal na pagkatao! Sa panahon ng kapayapaan ay umiwas kayo sa amin ..

Inusig ng kabo si Basilio. Dinakip rin ito nang pakilala kung sino Pati ba ako? tanong ni Basilio. Nagatawa si Makaraig. Huwag kayong mag-alala. Mabuti’t ng maibalita ko sa inyo ang ukol sa hapunan kagabi samantalang nasa sasakyan tayo.

Sa sasakyan ay ipinagtapat ni Basilio ang kanyang pagsasadya kay Makarai. Sinabi ni Makaraig na ma-aasahan siya ni Basilio at sa magtatapos raw ng madodoktor ay aanyayahan pa nila ang mga kawal na dumakip sa kanila.

Mga Tulong sa Pag-aaral

1. Si Basilio ay isa nang nagsasanay sa panggagamot sa ospital.

2. Noon ay walang titulong Doktor ang mga Pilipinong nagtatapos ng medisina. Licienciatura lamang ang pinagkaloob. Ngunit sila’y nakapanggagamot din.

3. Pinakaiiwasan ni Basilio ang pagkasangkot sa pulitika dahil sa kanyang mga karanasan noong bat pa siya. Ngunit ngayo;y dina naiwasan ang pagkasangkot.

Mga Tanong at Sagot

1. Bakit di makautang si Basilio kay Kapitan Tiyago?

Tugon

Baka sabihin ng Kapitan na iyon ay paghingi niya ng pauna sa lagi nang
ipinangangaking pamana;nahihiya na siya nang gayon.

2. May kinalaman kaya si Simoun sa mga paskin?

Tugon

Ayon na rin sa katedratikong nakausap ni Basilio, wala. Si Simoun ay nahihiga dahil sa kapahamakang inabot dalawang araw na.

3. Sino ang nakakita ng mga paskil?

Tugon

Walang nagkakita sa mga nagbabalita. Maaga raw itong ipinabakbak ng Bise Rektor (Sibyla) at ipinadala sa pamahalaang sibil upang gawing patibay sa pagsusuplong laban sa mga estudyante na siyang tiniyak na may kagagawan niyon.

4. Ano ang ibig sabihin ng katedratiko na si Kapitan Tiyago ay nangangamoy bangkay na ?

Tugon

Napapadalas na raw ang dalaw ni Padre Irene at ni Simoun na siyang nagbabalitang lalong makikinabang sa pagkamatay ni Kapitan Tiyago parang mga uwak at buwitre (vulture).

5. Bakit namumutla si Isagani sa kanyang pagtatalumpati?

Tugon

Sa galit sa mga pangyayari at hinanakit sa mga kasamahang nangawala ang ulo sa takot sa mga pangyayari.

6. Sino ang may kagagawan sa mga paskil?

a. Si Simoun? Hindi magagawa ni Simoun dahil nahihiga sa karamdaman. Hindi kaagad makakikilos ang mga kasamahan ni Simoun ukol doon. Nagkatiwa-tiwalag sila. Hindi magagawa iyon ng mga kawal o ng mga manong. Di rin ng mga tulisan o Penitente kaya. Kung iyon ay noong gabi ng himagsikan mismo natagpuan, maaari pang si Simoun. Ngunit isang araw pa ang nakalipas bago nagkaroon ng mga paskin.

b. Ang mga prayle? Wala nang iba pang magnanasang magbagsak sa mga estudyante kundi ang mga kura lalo na ang bise-rektor o si Padre Sibyla. Sila ang may palakad ng resolusyon laban sa paaralan ng Wikang Kastila na di nilagdaan ni Placido.

7. Bakit nasabi ni Makaraig na si Basilio ay isang marangal na kaibigan?

Tugon

Akala kasi ni Makaraig ay nakikisama sa kanila si Basilio nang malamang pinaghuhuhuli na ang mga estudyanting kasapi sa kapisanan. Si Basilio ay di nila maisama sa mga lakad na pangkasaysayan o noong wala pang gulo at ngayon nagkakagulo ay saka nakikisama si Basilio, sa akala ni Makaraig.

Kabanata XXVII
Ang Prayle at ang Estudyante

Buod

Si Isagani ay ipinatawag ni Padre Fernandez na isang katedratiko. Labis na iginagalang ito ng binata.

Ayon sa pari narinig nito si Isagani sa pagtatalumpati ng binata. Itinata-nong ng kura kung kasama si Isagani sa hapunan. Pinuri rin ang pagkakaroon ni Isagani ng paninindigan . Pinaupo ang binata. Nguni’t nanatiling nakatayo si Isagni. Patuloy na nagsalita ang pari. May mga dalawang libong estudyante na raw ang naturuan niya o sinikap niyang turuang mabuti at karamiha’y pumupula at lumalalos sa mga prayle nguni’t walang makapagsalita nang tapatan o harapan.

Ayon kay Isagani ay di kasalanan iyon na kabataan na pag nagsalita laban sa maykapangyarihan ay kaagad nang sinasabing pilibustero at alam ng pai ang ibinubunga ng gayong paratang. “Baliw ang sino mang magsabi nang malakas sa kanyang iniisip sapagka’t siya’y magtitiis ng pag-uusig,” ani Isagani.

Sinabi ng prayle na di niya inuusig si Isagani at malaya itong nakapagsasalita ng anuman sa kanyang klase. Sa halip ay paborito pa niya si Isagani.

Pangiting nagpasalamat ang binata. Sinabi niyang itinatangi rin niya ang katedratiko. “Nguni’t di tayo maguusap dito ng ukol sa ating sarili kaya’t ipinakikiusap ko sa aking katedratiko na ibahin na ang paksa.”

Maaari raw si Padre Fernandez ay gayon nga nguni’t di raw gaya ng katedratiko ang ibang prayleng Domoniko. At tiniyak ni Isagani ang mga sakit sa pagtuturo ng mga prayle. “Binabawasan hangga’t maaari ang pagbibigay ng mga kaalaman sa pagpatay sa sigla at sigasig ng magaaral. Walang inihahasiksa amin kundi mga kaisipang luma, mga lisyang simulaing kasalungat ng pagkakasulong. Parang mga bilanggong gobyerno ang mga estudyante. Salat na salat ang mga ito sa natututuhan tulad ng pagkasalat ng bilanggo sa pagkaing inirarasyon ng nakasubasta sa pagpapakain”. At sinabi ni Isagani na parang may sabuwatan ang pamahalaan at ang mga Pilipino upang manatili sa kamangmangan ang mga ito.

Napakagat-labi si Padre Fernandez. Sinabi nitong lampas na sa guhit ng pag-uusap ang mga paratang ni Isagani.

“Hindi, Padre,” ganti ni Isagani. “Ang mga prayle sa lahat ng orden ay naging mga kontratista ng karunungan at sila ang nagsasabi mismo na kami ay hindi nararapat matuto pagka’t baling araw ay magpapahayag kami ng paglaya. Ito’y pagtanggi na ang bilanggo ay pakanin pa upang di na makalabas sa bilangguan. Ang kalayaan ay katambal ng tao at, gayundin, ng talino at katarungan. Ang pagtanggi ng mga prayle na maging amin iyan ang dahilan ng kawalan naming ng kasiyahan”.

“Ang karunungan ay hindi ipinagkakaloob kundi sa karapat-dapat lamang,” anang Pari. “Ipagkaloob iyan sa mga walang tibay ng loob at kapos sa wastong asal ay taliwas sa layunin niyon”.

Tinutulan ito ni Isagani. Hindi raw totoo iyon. “Kung ano kami ay kayo ang may gawa. Ang bayang inaalipin ay natutong magkunwari; ang paghaharian ay lumikha ng mga alipin. Ipagpalagay natin, kahit di totoo, na ang mga estudyante ay mgawalang dakilang asal at katibayanng loob. Sino ang may kasalanan? Kami o kayong nagturo sa amin sa loob ng may tatlong siglo? Kung pagkatapos ng panahong iyon ay walang nayari ang manggagawa ng palayok kundi mga sira siya’y napakatanga marahil.”

“O masama at marumi ang putik na ginagamit?”

“Kung gayo’y higit pang napakahangal gayong alam na palang masama at marumi ang putik ay bakit nagpapatuloy pa sa pagsasayang ng panahon, at di lamang hangal, kundi manlilinlang at magnanakaw pa dahil alam nang walang ibubunga ang ginagawa niya’y patuloy pa sa pagtangap kabayaran….. at di lamang hangal , mandaraya at magnanakaw kundi isa pang talipandas dahil ayaw nilang subukin ang kakayahan ng iba sa paggawa ng magiging kapakipakinabang.”

Nakilala ni Padre Fernandez ang kanyang kagipitan. Noon lamang siya nakaranas niyon—pagkatalo sa isang estudyanteng Pilipino lamang. Anang kura: “Kinapopootan ng bayan ang sundalo na dumakip at hindi ang hukom na nagpanaog ng hatol na pagkabilanggo… Kami’y napapagitna sa dalawang sibat sa inyo at sa pamahalaan . Kung ano ang utos sa amin ay siya naming sinusunod. Ang nag-uutos sa pagpapaputok ay masasabung siya na ring naglalagay ng balas a kanyon”.

Pinulaan ni Isagani ang pagtatago ni Padre Fernandez sa likod ng pamahalaan. Nangatwiran ang katedratiko. “Ang ibig kong sabihi’y may mga batas na mabuti ang layon nguni’t masama ang ibinubunga. Upang maiwasan ang isang pagdaraya ay nagpapatibay ng maraming panugpo na pinaglalaruan lamang ng mga mamamayan. Maglagda kayo ng isang batas, kahit sa Espanya, at pag-aralan ng mga tao kung paano ito madaraya. Nguni’t nalalayo tayo tayo sa paksa… Kaya sasabihin kong ang masamang ugali ninyo ay di dapat isisi sa amin ni sa Pamahalaan kundi sa masamang pagkakatatag n gaming kapisanan. Ang naghahangad magpatotoo ng lahat ay wala isa mang napatutunayan. Ang mga kapisanan ay nawalan ng pg-iingatdahil sa umaapaw na kasaganaan”.

“Opo, may pumipilit na sila’y mag-aral. Katungkulan ng bawat tao na hanapin ang kanilang kaganapan ng pagkatao. Katutubo sa tao na linangin ang kanyang talino at lalong matindi ang nais na ito rito dahil ito’y hinahadlangan.Ang bumubuhay sa pamahalaan ay humihingi sa pamahalaan ng liwanag upang lalong makatulong sa bansa. Pamahalaan na rin at ang mga prayle na rin ang pumipilit na kaming mga indiyo ay maghanap ng karunungan dahil sa inyong pag-aglahi sa amin sa kawalangpinag-aralan at kamangmangan. Kami’y inyong hinuhubaran at pagkarapos ay pinagtatawanan ninyo an gaming kahihiyan”.

Mga Tanong at Sagot

1.Ano ang ibg sabihin ni Isaganina walang ginagawa ang mga prayle kundi magrasyon ng kaisipang luma?

Sagot

Huling-huli sa takbo ng panahon ang itinuturo ng mga prayle — bukod sa kakatiting pa. Batid ito ng kabataan dahil sa may ilang nanggaling sa Europa ang matapos maghambing-hambing ay nakapagsabing huling-huli ang Pilipinas sa panahon.

2. Ano ang puna ni Rizal sa pagkakaroon ng ordeng Dominiko ng tanging karapatan sa pagtuturo sa mga Pilipino?

Sagot

Parang isinubasta raw ng pamahalaan ang pagpapaturo sa mga Pilipino at hindi man ginagawa ng Dominiko ang tungkulin ay di pinapansin ng pamahalaan dahil kapwa sila nakikinabang. Inihambing ni Rizal ang paraan ng pagtuturo ng Dominiko at ibang orden sa pagpapakain sa bilanggo na isinusubasta sa mga komersiyante.

3. Ang kahuluganng kasabihang latin na “Vox populi ,vox dei” ? Ipaliwanag.

Sagot

Ang tinig ng bayan ay tinig ng Diyos. Kung bayan na ang humihingi ng isang bagay ipinalalagay na iyon ay Diyos na rin ang may kahilingan. Ang paghihimagsik ng bayan ay paghihimagsik na rin ng Diyos laban sa may masamang pamamahala.

4. Bakit daw walang mangahas sa mga estudyante na gawin nang harapan ang pamumuna sa mga prayle ayon kay Isagani?

Sagot

Baliw raw ang sino mang gumawa nang sapagka’t pag-uusigin.

Kabanata XXVIII
Pagkatakot

Buod

Ipinangalandakan ni Ben Zayb sa El Grito na tama siya sa madalas niyang sabihing nakasasama sa Pilipinas ang pagtutuo sa kabataan. Ito’y pinatunayan ng mga paskil.

Naging takot ang lahat mula sa Heneral hanggang sa mga intsik. Ang mga prayle ay di nakasipot sa basar ni Quiroga. Ang intsik man ay nag-ayos ng tindahan na madaling maisara kung sakali. Inisip ni Quiroga na magtungo kay Simoun at isangguni kung panahon na upang gamitin ang mga baril at pulbura’t bala na ipinatago nito sa kanya. Ayon sa himatong ni Simoun iyon ay palihim na ilalagay sa mga bahay-bahay at saka magpapahalughog ang pamahalaan. Daami ang madarakip at mabibilanggo. Maami, lalo sa mayayaman, ang patutulong sa kanila ni Simoun at iyon ay mangangahulugan ng malaking salapi. Nguni’t di niya nakausap si Simoun. Ipinasabi lamang na huwag galawin ni Quiroga ang anuman sa kinalalagyan.

Nagtungo si Quiroga kay Don Custodio upang isangguni kung dapat sandatahan ng intsik ang sariling tahanan. Ayaw ring tumanggap si Don Custodio ng sinuman. Kay Ben Zayb nagtungo ang intsik. Nang makita niya na nakapatong sa mga papeles ng manunulat ang dalawang rebolber, kaagad nagpaalam ang intsik. Umuwi ,nahiga at nagdahilang maysakit.

Kinahapunan ay kumalat pa ang balitang may panayam ang mga estudyante at mga tulisan sa San Mateo; niyari daw ang balak na paglusob sa lungsod sa isang Pansiterya; may bapor pandigma aw ang mga Aleman sa look, katulong ng mga estudyante; may mga estudyante pa aw na nagtungo sa Malakanyang upang magpahayag ng pagkamaka-Kastila ngunit nahulihan sila ng armas kaya’t pinagpipit; naligtas daw ang Heneral dahil noo’y nakikipanayam sa mga puno ng orden o provincial sa Pilipinas.

May nagpanukalang magpabaril kaagad ng isang dosenang pilibusterilyo upang matigil ang gulo. Anang isa’y sapat nang palakarin sa mga lansangan ang mga kawal na kabayuhan at may hilang kanyon at ang lahat ay magsisipanhik ng bahay upang manahimik. Anang isa naman, pagpapatayin ang mayayaman at linisin ang bayan.

Kina Kapitan Tiyago. Una’y ibinilanggo na si Basilio at naghaluhog sa mga kasulatan ng binata. Nayanig ang kahinahunan ni Kapitan Tiyago. Saka ngayo’y dumating si Padre Irene at nagbabalita ng kung anu-anong mga nakatatakot. Nanginig sa takot ang matanda. Nakadilat ang mata na napakapit sa kura. Nagpilit bumangon. Nguni’t di nakaya. Bumagsak na bumubula ang bibig. Patay na. Nasindak ang kura. Tumakbo. Nakahawak sa kanya ang patay na nakaladkad niya hanggang sa gitna ng silid.

Kinagabihan. Sa isang binyagan ay may nagsabog ng kuwalta. Nag-agawan ang mga bata. Nagkaingay sa may pinto ng simbahan. Isang opisyal ang nagdaan. Nabigla ito sa pag-aakalang gawa iyon ng mgs pilibusterilyo. Hinabol ng sable ang mga batang nagsipasok sa simbahan. Nagtakbuhan ang mga tao. Nagsimula na raw ang himagsikan.

Dalawang tao ang nahuling nagbabaon ng sandata sa silong ng isang bahay na tabla. Hinabol ng mga tao ang dalawa upang ibigay sa pamahalaan. Di ito nangahuli. Ang mga baril ay lumang eskopeta na maari pang makasugat sa gagamit.

Isang beterano ang napatay dahil pinagkamalan ng isang kawani na yaon ay estudyante. Isang bingi ang sinino sa Dulumbayan. Hindi ito sumagot. Binaril. Patay!

Sa isang tindahan ay si Tadeo kaagad ang ipinakibalitaan. Binaril na raw, anang pinagtanungan. Napadaing ang babae. Malaki raw ang utang ni Tadeo sa kanya. Anang kausap ay baka raw madamay pa kay Tadeo ang may tindahan. Natahimik ang babae.

Luku-luko raw si Isagani. Kusa pa raw nagpadakip. Babarilin daw malamang. Walang anuman daw sa kanya’t walang utang sa kanya si Isagani, anang ginang na may tindahan. Ano raw kaya ang gagawin ni Paulita. Baka raw pakasal sa iba, anang tumugon. Halos lahat ng bahay ay may mga nagrurosaryo.

Sa tirahan nina Placido Penitente, hindi naniniwala ang platero sa mga paskil. Gawa lang daw iyon ni Padre Salvi. Ayon naman sa isa’y si Quiroga ang may gawa. May ibig daw ipasok na kontrabando si Quiroga at nasa look na sandaang libong pisong mehikano. Nagkaroon daw ng kaguluhan. Pinadulasan ang mga kawani sa adwana at nakalusot ang salapi.

May narinig silang mga yabag. Natigil ang usapan kay Quiroga. Kunwa’y binanggit ng isa si San Pascual Bailon. Ang dumating ay si Placido . Kasama ang manggagawa ng kuwitis o pulbura si Simoun.

Hindi raw nakausap ni Placido ang mga bilanggo.Tatlumpu raw. Ayon sa manggagawa ng pulbura ay magpupugutan ng ulo sa gabing iyon. Hindi raw mangyayari iyon, anang isa, dahil si Simoun na siyang madalas magpayo niyon ay maysakit. Nagkapalitan ng tingin ang dalawang bagong dating.

Nang gabing iyon ay pinalitan ang mga tanod sa pinto ng siyudad. Ipinalit ay mga artilyerong Kastila. Kinabukasan ay nakatagpo sa Luneta, malapit sa pinto, ng bangkay ng isang dalagitang kayumanggi. Halos hubad. Ngunit nakita man iyon ni Ben Zayb ay di na nabalita.

Mga Tanong at Sagot

1. Ano ang palatandaan na takot ang mga prayle sa mga pangyayari?

Sagot

Ni isa’y walang sumipot sa tindahan ni Quiroga gayong may mga bagong dating na panindang “nabibili” ni (nang walang bayad) sa intsik.

2. Bakit ayon kay Ben Zayb ay nakasisira ang pagtuturo sa Pilipinas?

Sagot

Natututo raw na maging rebelde ang mga Pilipinong dumudunong. Iisa sila ng katuwiran ni Padre Damaso (Noli Me Tangere)

3. Ano ang balak ni Simoun sa mga baril at kartutsong ipinatago niya kay Quiroga?

Sagot

Ipamamahagi iyon sa mga taong bayang sasanib sa kanyang paghihimagsik.

4. Bakit ayaw makipagkita si Simoun kahit kay Quiroga?

Sagot

Siya ay sugatan. Ayaw niyang mausisa ukol doon. Masama rin ang kanyang loob sa mga pangyayari. Namatay si Maria Clara. Nasira ang balak na paghihimagsik. Mainit ang kanyang ulo. Kailangan niya ang mapag-isa , makapagisip-isip.

Kabanata XXIX
Ang Huling Pati-ukol kay Kapitan Tiyago

Buod

Marangal ang libing ni Kapitan Tiyago. Si Padre irene ang hinirang na tagapamahala at tagapagpatupad ng testamento ng kapitan. Paghahati-hatiin ang kanyang kayaman sa Sta. Clara, sa Papa, sa Arsobispo, at sa mga orden. P20.00 ay itinira para pangmatrikulang mga estudyante mahihirap. Iminungkahi ito ni Padre Irene para masabing tagatangkilik siya ng mga estudyante. Inalis ni kapitan Tiyago ang P25.00 pamana kay basilio dahil sa kawalang-utang na loob ngunit isinauli ni paddre Irene at siya raw ang magpapaluwal sa sariling bulsa.

Nang nakaburol si Kapitan Tiyago ay marami ang usap-usapan ukol sa kanya. Nakita raw ng mga mongha ang nagliliwag na kaluluwa ni Kapitan Tiyago. Iyon daw ang utang sa maraming pamisang nagawa ni Kapitan.

Naisip ng sakristan na ipanabing ang kaluluwa ni Kapitan Tiyago ay may hawak pang mangkok ng taho. May nangaghaka namang hamunin ni Kapitan Tiyago ng sabong si San Pedro. Pero paano magkakamatayan o magkakatalo mag manok na kaluluwa? Ayon kay Pilosopo Primotivo, di magkakatalo sagka’t ang pagkatalo’y kaugnay ng sama ng loob ay walang puwang sa langit.

Hinandugan ni Quiroga ng isang tabako si Don Primotivo. Saka nagtanong nang malumanay: Sigulo puede de contalata aliedo galela con kilisto, a? Cuando muele, mia contalista, ja? May nagtalo sa damit na isusuot kay KapitanTiyago. Abito? Mayroon nito si kapitan tinong. Lumang-luma at binayaran niya ng P36.00. Ipagkakaloob niya ito sa mahal na kaibigan. Tumutol ang sastre.Prak daw ang kailangan nakaprak ang kaluluwang nakita ng mga mongha. May yari na ang sastre na P32.00 ang halaga, dahil suki niya ang namatay. Lumang damit ang ipinasuot ni Padre Irene. Hindi raw mahalaga sa langit ang damit.

Tatlong prayle ang dapit sa libing ni Kapitan. Maraming kamanyang nang sinunog at gayundin ang iwinisik na agua bendita.

Si Donya Patrocinio na matandang kaagaw ni Kapitan Tiyago sa pagpapataasan ng ihi sa pagkabanal ay nagnais mamatay na kinabukasan upang malibing siya ng lalong dakila at kahanga-hanga.

Mga Tulong sa Pag-aaral

1. Lahat ng tadhana ng testamento ni Kapitan Tiyago ay gawagawa ni padre Irene Sa ganitong paraan nagkakamal ng malaking lupa at kayamanan ang mga orden, at ang simbahan at kadalasan ang mga anak ng namatay na mayaman ay nangauulila maging sa pamana.

2. Pati sa damit na isusuot ay nagtipid si Padre Irene. Mababawasan pa ang kanyang makakaparte.

Mga Tanong at Sagot

1. Ano ang kahulugan ng tanong ni Quiroga kay Primitivo: Sigulo puede contalata aliendo galela con kilisto, ja? Cuando mia muele mia contalatista, ha?

Tugon

Ito’y nagpapakita ng kataliman ng intsik sa negosyo, mapagkakakitaan; walang bawal-bawal. Ito ri’y nagpapakitang ang intsik na ilan, kaya nagkristyano ay di dahil sa pananampalataya kundi sa lalong ikaluluwalhati ng kanilang nagosyo. At totooito sa karamihan ng mga intsik na nagsisikuha ng pagmamamayang pilipino-sa ikaluluwag lamang ng kanilang kabuhayan. Ito ang kahulugan o salin ng pagagong kastila ni Quiroga: Kung mamatay ako, maaari marahil na ako’y makipagkontrata kay kristo sa pagtatayo ng sabungan sa langit, ha?

Kabanata XXX
Si Huli

Buod

Nabalita sa San Diego ang pagkamatay ni Kapitan Tiyago at ang pagkadakip kay Basilio. Dinamdam ng bayan nang higit ang huli. Maari raw ipatapon o patayin ang binata. Enero rin daw nang bitayin ang tatlong martit sa Kabite. Mga pari na iyon, nabitay pa. Tiyak daw na bibitayin din si Basilio.

Nagkagayon daw si Basilio, ayon kay Hermana Penchang, dahil di nag-aagwa bendita sa Simbahan dahil narurumihan sa tubig. Hindi raw nakasasakit ang agwa bendita. Nakagagaling pa nga raw ito. May ilan pa ang nanisi rin sa binata.

Ngunit marami ang nagsasabing di dapat mangyari iyon kay Basilio.Tahimik ito. Naghihiganti raw lamang ang mga prayle dahil sa pagkakatubos ni Basilio kay Huli na anak ng tulisang si Tales.

Mabuti raw at pinaalis na niya si Huli, ani Hermana Penchang. Ayaw daw niyang magalit ang mga prayle sa kanya. Ang totoo’y di niya ibig ipatubos si Huli.

Si Hermana Bali ang nagbalita kay Huli ng tungkol kay Basilio. Hinimatay pa si Huli dala ng balita. Sa Pilipinas ay kailangan ang ninong sa ano mang pagkilos. Wala nang tagatangkilik si Basilio sa pagkamatay ni Kapitan Tiyago kaya’t tiyak na mabubulok sa bilangguan si Basilio o mabibitay wala mang kasalanan.

Naisip niyang tulungan si Basilio. At may kung anong nagbulong sa kanya na patulong kay Padre Camorra, ang nakapagpalaya kay Tandang Selo. Kung sabagay, nang pasalamatan niya ang kura ay di ito nasiyahan. Humingi ito ng “ pagpapasakit” pa. Mula noo’y iniwasan na ito ni Huli. Gayunman, may mga binatang binambo ni Padre Camorra nang mangharana ang mga iyon sa dalaga. May nangagsapantaha na ng di mabuti kay Huli ukol kay Padre Camorra.Pinarunggitan siya sa paglalakad niya.

Mula noo’y naging malungkutin si Huli. Minsa’y naitanong kay Hermana Bali kung nahuhulog sa impiyerno ang nagpapakamatay. Di natuloy ang balak niya. Natakot siya sa impiyerno.

Ipinayo ni Hermana Bali na magtanong sila sa tribunal. Kaunting pabagsak lang daw at papayuhan na sila nito. Ngunit ang tagasulat ay walang nagawa o naipayo kundi patunguhin ang dalawang babae sa hukom pamayapa. Sa wakas ay nagpayo ang hukom: “ Ang tanging makapagliligtas kay Basilio ay si Padre Camorra – kung iibigin niya”, sabay turo kay Huli.

Hindi kumibo si Huli. Inaakala ni Hermana Bali na tumpak ang payo. Ayaw ni Huli na magtuloy sila sa kumbento. Batid ni Hermana Bali ang dahilan. Si Padre Camorra
ay tinaguriang Si Kabayo – sadyang malikot sa babae.

Nakiusap si Huli na ang manang na lamang sana pumasakumbento. Wika ng hukom ay higit na mabisa ang pamanhik ng isang dalagang may mukhang sariwa kaysa mukha ng isang matanda. Nanaog ang dalawa. Nang nasa daan na’y ayaw na naman ni Huli. Ang pagpapakasakit na hinihingi ni Padre Camorra ay pinagbingihan ni Huli mangahulugan ng di kapatawaran ng sariling ama. Ngayon ba’y gagawin niya iyon dahil kay Basilio? Magiging isa siyang lusak. Maging si Basilio’y mandidiri sa kanya.

May ilang nagparunggit na di siya papatulan ng kura. Maraming dalaga sa bayan. Aanhin nito ang isang taganayon lamang. At babarilin si Basilio!

Binangungot si Huli nang gabing iyon. Dugo! Sindak! Mga putok. Nakita ang ama. Si Basilio’y naghihingalo.

Kinahapunan ng sumunod ng araw ay kumalat ang balitang may mga binaril na sa mga estudyante. Ipinasiya ni Huli na kinabukasan uli ay magsasadya na siya sa kumbento, mangyari na ang mangyari. Ngunit nang mag-uumaga na’y di rin siya nagtungo sa kumbento. Dumaan ang mga araw. Umasa si Huli sa isang himala. Gabi-gabi’y di siya pinatulog ng mga pangamba.

Sa wakas ay dumating ang balita mula sa Maynila na si Basilio na lamang ang nabibilanggo. Nakalaya ng lahat ang kasamahan. Ipatatapon na raw sa Carolinas si Basilio. Ito ang nag-udyok kay Huli na hanapin si Hermana Bali. Nagbihis ng pinakamahusay na damit.

Kinagabihan ay naging usap-usapan ang nangyari kay Huli nang hapong iyon. Tumalon sa bintana ng kumbento at patay na dinampot sa batong nakabunton sa ibaba. Si Hermana Bali ay patakbong bumaba sa pinto ng kumbento at nilibot ang daan at nagsisigaw at nagpupukpok sa pinto ng kumbento si Tandang Selo. Itinaboy ito ng palo at tulak.

Mga Tanong at Sagot

1. Bakit nasabi ni Hermana Penchang na mabuti nang napaalis niya si Huli?

Sagot

Hindi totoong pinaalis niya si Huli. Masama ang loob niya nang tubusin ni Basilio ang dalaga. Ayaw niyang kasamaan siya ng loob ng mga prayle. May kaunting katwiran siya. Noo’y madaling madawit sa isang suliraning pampulitika at pangsimbahan at dahil dinakip si Basilio, at kasintahan ni Basilio si Huli, maaring madawit si Hermana Penchang na siyang pinaglilingkuran ng dalaga.

2. Ano ang hiningi ni Padre Camorra na kapalit ng pagtulong nito sa pagkapalaya kay Tandang Selo?

Sagot

Ang pagkababae ni Huli, ang puri ng dalaga na malaon nang pinagmimithian ng kura.

3. Bakit sa simula pa lamang ay alam na ni Huli na magiging kabayaran ni Padre Camorra sa paglaya ni Basilio?

Sagot

Tulad ng hiling ni Padre Camorra nang tulungang palayain si Tandang Selo – ang katawan at puri ng dalaga.

4. Bakit nagtungo pa rin sa kumbento si Huli?

Sagot

Una, sa malaking pag-ibig at utang na loob kay Basilio. Nais niyang lumaya ang binata. Ikalawa, ang pagtiyak ni Hermana Bali na walang masamang mangyayari.

 

Next Page