Tagalog

Ang Wikang Tagalog,[3] na kilalala rin sa payak na pangalang Tagalog, ay isa sa mga pangunahing wika ng Republika ng Pilipinas at sinasabing ito ang de facto (“sa katunayan”) ngunit hindi de jure (“sa batas”) na batayan na siyang pambansang wikang Filipino (mula 1961 hanggang 1987: Pilipino[3]). Sinasalita rin ito saHilagang Kapuluang Mariana, kung saan ang mga Pilipino ang pinakamalaking pangkat etnolingwistiko. Bilang isang pangunahing wika sa Pilipinas, ang karaniwan at pamantayang anyo nito ang pangunahing wika sa pambansang telebisyon at radyo, bagaman halos nasa Ingles ang buong kayarian ng mga pahayagan. Bilang Filipino, kasama ng Ingles, isa ang Tagalog sa kasamang-opisyal at tanging pambansang wika sa Pilipinas. Malawak na ginagamit ang Tagalog bilang lingua franca o “tunay na wika” sa buong bansa, at sa mga pamayanang Pilipino nasa labas ng Pilipinas. Subalit, habang kalat ang Tagalog sa maraming mga larangan, higit na laganap ang Ingles, sa iba’t ibang antas ng katatasan, sa mga larangan ng pamahalaan at kalakalan. Tinatawag na mananagalog o mananalita ang isang may mataas, may kahusayan, at kaalaman sa pananagalog.[3]

Ang salitang Tagalog ay hinango sa salitang taga-ilog, galing sa unlaping tagá- na nangangahulugang “katutubo ng” na idinagdag sa harap ng salitang ilog o “Naloy”(Tagal), kaya’t may ibig sabihing “mga taong nagbuhat sa matandang Kabihasnan o sa Daluyan ng Tubig.” Walang mga halimbawang kasulatan ng orihinal na Tagalog bago dumating ang mga Kastila. Sinasabi ng ilan na marahil sinunog ng mga unang paring Kastila ang mga ito, dahil sinasabi ring masademonyo ang mga halimbawang ito. Kakaunti lamang ang kaalaman tungkol sa kasaysayan ng wikang ito, ngunit sa haka-haka ng mga dalubhasa sa pananalita, katulad nina Dr. David Zorc and Dr. Robert Blust, nagmula ang mga ninuno ng mga Tagalog sa hilagang-silangang Mindanao o sa silangangKabisayaan, kasama ng mga kamag-anak nitong wika ng mga taga-Gitnang Pilipinas.[4][5]

Ang Doctrina Cristiana (Doktrinang Kristiyano) ang pinakaunang aklat na naisulat sa Tagalog, na inakdaan noong 1593. Nakasulat ito sa Kastila at dalawang uri sa Tagalog: nakasulat ang una Baybayin habang ang sa mga titik ng Latin naman ang isa. Pinaniniwalaang hinango rin ang Tagalog mula sa salitang taga-irog dahil kilala ang pangkat ng mga kayumangging ito sa pag-irog sa sinisintang kabiyak at sa pagiging tapat din sa pakikipag-ugnayan sa pinili niyang makakasama sa buhay. Batay ito sa isang nakaraang kaganapan, noong may higit pang katinuan at takot sa Diyos ang mga tao. May kaugnayan ang salitang ito sa isang kasabihang Tagalog na “mahirap mamangka sa dalawang ilog (o irog). Wala pang nailathalang aklat na nagsasabi kung gaano katanda ang wikang Tagalog, subalit may dokumento o kasulatang nakalimbag sa tanso na nagpapatunay na ang isang matandang uri ng wikang pinagmulan ng wikang Tagalog ay umiiral at ginagamit na mahigit sa isang libong taon nang nakalipas. Ito ang limbag sa Tanso ng Laguna ng taong 822 A.D., isang bagay na patuloy pang inuusisa at pinag-aaralan ng mga nagdalubhasa sa wika. Ipinapalagay na sangay na kauri ng wikang Tagalog ang iba pang mga katutubong wika sa Pilipinas, at patuloy pa ring ginagamit ang mga ito sa bawat rehiyon at mga lalawigan ng bansa. Nang dumagsa ang mga Kastila sa kapuluan ng bansang ito, nasumpungan nila na may kabihasnan na dito: na may wika, panulat na baybayin, at mga payak na lipunang may pinunong tinatawag na datu ng bawat pangkat o barangay. Sa pagtuturo ng mga dayuhan ng kanilang kaalaman mula sa Europa, nahubog ang kaisipan at kalinangan Pilipino sa kaisipang dayuhan, na nagpatuloy hanggang sa pagdagsa sa bansa ng mgaAmerikano at mga Hapones sa paglipas ng mga panahon. Sa kabila ng impluwensiyang ito, nakilala ang wikang Tagalog bilang isang pambansang wika na nakalalamang sa ibang mga diyalekto, at naging higit din sa mga wikang Ingles at Kastila.

Panitik ng baybaying Tagalog o ang alibata.

Sa kahabaan ng 333 taong pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas, mayroon mga nasulat na mga pambalarila at mga talahuluganan ang Kastilang kaparian katulad ng Vocabulario de la Lengua Tagala ni Pedro de San Buenaventura (Pila, Laguna, 1613), Vocabulario de la lengua tagala (1835) at Arte de la lengua tagala y manual tagalog para la administración de los Santos Sacramentos (1850). Itinuturing ang makatang si Francisco Baltazar (1788–1862) bilang pinakamahusay na manunulat na Tagalog. Ang Florante at Laura ang kaniyang pinakabantog na akda, na naisulat noong ika-19 daantaon.

Noong 1937, napili ng National Language Institute ang Tagalog bilang batayan ng pambansang wika ng Pilipinas. Noong 1939, tinawag ni Pangulong Manuel L. Quezon ang Tagalog bilang ang Wikang Pambansa. Noong 1959, muli itong pinangalanang Pilipino ni Jose Romero, ang Kalihim ng Edukasyon noon, upang mabigyan ang Tagalog ng isa pambansang tatak at diwa, sa halip na pangpangkat etniko lamang. Subalit hindi nagresulta ang pagpapalit ng pangalan ng Tagalog sa pagtanggap, sa diwang nakadarama, ng mga hindi Tagalog, partikular na ang mga Sebwano, na hindi sumang-ayon sa pagkakapili ng Tagalog bilang wikang pambansa.[6]

Noong 1971, muling binalikan an paksang pangwikang ito, at may isang kinalabasang kasunduan— isang “makapandaigdigang” gawi sa pagkakaroon ng wikang pambansa, na tatawaging Filipino, sa halip na Pilipino. Nang ibalangkasa ang bagong konstitusyon ng 1987, tinawag na Filipino ang wikang pambansa.[6] Nilahad ng konstitusyon na habang umuunlad at nagbabago ang wikang Filipino, lalo pa itong pauunlarin at pagyayamanin batay sa buhay na mga wika sa Pilipinas at sa iba pang mga w